Isa raw sa dahilan kung bakit kakaibang kaligayahan ang nararamdaman ni Melissa Ricks sa relasyon nila ng kasintahang si Paul Jake Castillo ay dahil pabor dito ang kanyang mga magulang. Saad niya, "Ngayon, tinatanggap nila na meron na rin akong boyfriend, matanda na rin ako. They know that I’m responsible enough of handling whatever that is coming my way. Kasi nga, with what happened to me before, so alam na nila na I’m wiser now.”

Photo: Noel Orsal

Nakangiti niyang sabi, “Yun na nga, e, kakaibang happiness ang meron ako ngayon.

“Hindi ako nai-stress, hindi ako worried. 

“Alam ko na kahit anong mangyari, nandiyan siya to support me. 

“Ang sarap magtrabaho kapag inspired ka. Wala kang ibang iniisip.”

Isa kaya sa dahilan kung bakit masaya siya ngayon ay dahil bukas sa publiko ang relasyon nila ni Paul Jake, hindi gaya noon sa kanila ni Jake na itinago nila?

Paliwanag ni Melissa, “Kasi, pareho kaming parang high-profile [ni Jake].

“So we didn’t want anybody to know, kasi nga, baka it went bad. 

“But actually, it went bad when we didn’t tell people because people found out anyway. 

“Siguro kasi, with this relationship, si Paul Jake, he’s very open.

“Never siyang nag-isip na itago namin. 

“Ang unang tanong nga niya sa akin, ‘Sasabihin ba natin?’

“Sabi ko, ‘Oo. Bakit hindi, kung gusto mo.’”

May disadvantage ba na pareho silang sikat ni Jake?

Sabi ni Melissa, “Being an actress is different. 

“Being an actor and actress in show business… because everybody is in your business.