Isa raw sa dahilan kung bakit kakaibang kaligayahan ang nararamdaman ni Melissa Ricks sa relasyon nila ng kasintahang si Paul Jake Castillo ay dahil pabor dito ang kanyang mga magulang. Saad niya, "Ngayon, tinatanggap nila na meron na rin akong boyfriend, matanda na rin ako. They know that I’m responsible enough of handling whatever that is coming my way. Kasi nga, with what happened to me before, so alam na nila na I’m wiser now.”

Photo: Noel Orsal

“Si Paul Jake naman kasi, he’s more open at wala siyang itinatago.”



FAMILY ACCEPTANCE. Malaking bagay rin daw na sa pagkakataong ito ay tanggap ng pamilya ni Melissa ang boyfriend niya.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na hindi pabor noon kay Jake ang pamilya ni Melissa, partikular na ang ina ng young actress.

Sabi ni Melissa, “My family loves Paul Jake. He’s very welcome. 

“Pupunta kami sa States at sana ma-miss niya ang mommy ko.”

Sa November raw sila pupunta ng States. 

“Siguro mga two weeks lang kami. Pagkatapos kong ma-release sa Walang Hanggan

“First time naming magta-travel together at excited na nga ako.”

Kumusta naman siya sa pamilya ni Paul Jake na nakatira sa Cebu?

“I’ve met them noong Holy Week, and then, kapag nandito sila minsan, nami-meet ko sila.

“They are very down-to-earth, very friendly.

“Noong una, kinakabahan ako siyempre,” sabi ng young actress.

               

Ngayon daw, Melissa knows better. Naiintindihan na raw niya kung bakit tutol ang magulang niya sa pakikipagrelasyon niya noon kay Jake.

Nakangiting sabi niya, “Siyempre naman, my parents are just looking out for me.

“Siyempre, gusto nilang mapabuti ako. Ako ang babae, ako ang bunso. 

“Naiintindihan ko na kung bakit. 

“So, ngayon, tinatanggap nila na meron na rin akong boyfriend, matanda na rin ako.