Matindi ang reaksiyon ni Barbie Forteza nang tanungin siya kung totoong nagkakamabutihan na sila ni Derrick Monasterio. Sabi ng tween actress, “Si Derrick? Naku, iyon?! Iinumin na nga lang hindi pa siya sure kung ano, love pa kaya?!”

Photo: Noel Orsal

Natapos na ang Book 2 ng Luna Blanca kung saan gumanap si Barbie Forteza bilang si Blanca at si Bea Binene naman bilang Luna.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Barbie ay nagkuwento siya sa mga naging karanasan niya sa primetime drama series na ito ng GMA-7.

“Sobrang saya po ng Luna Blanca!

"From the staff and crew hanggang sa mga artistang kasama ko sa soap, grabe sa enjoy ang taping.

“Si Direk Dominic Zapata, super-galing na director, bow ako sa kanya.

“At si Direk Gina Alajar, love na love ko si Direk Gina.

“Si Daddy Raymart [Santiago] napakabait, si Ate Cams [Camille Prats], parang sister ko, pati si Ate Chynna [Ortaleza].

“Tapos si Bea, Derrick [Monasterio], at Kristoffer [Martin], ang ingay kaya namin sa set!”

Si Heart Evangelista ang nagpatuloy ng role ni Barbie bilang Blanca sa ikatlo at huling yugto ng Luna Blanca, samantalang si Bianca King naman ang pumalit sa role ni Bea bilang Luna.



NEXT TELESERYE. May kasunod na agad na project si Barbie sa GMA-7, ang Mariposa.

Saad ng 15-year-old actress, "Nag-plug shoot na po kami last Tuesday.

“Wala pa po akong masyadong alam sa story, basta ang alam ko po may pakpak po uli ako."

Unang nagkaroon ng "pakpak" si Barbie sa dating teleserye ng GMA-7 na Pilyang Kerubin.

Dagdag pa niya, "Excited nga po ako sa Mariposa.

“Kasama ko po uli si Derrick, tapos si Miguel Tanfelix at si Bianca Umali.”