Dingdong Avanzado wants to take wife Jessa Zaragoza to a "honemoon cruise": “Ewan ko kung papayag siya, e. Ako kasi, iba yung nasa mind ko, e. Ako, gusto ko, sabi ko sa kanya, dream ko mag-cruise kami, e. Kaso, takot sa tubig ‘yan, e!"

Photo: Noel Orsal

Ang kantang “Ayoko Na” na likha ni Dingdong Avanzado ay kasama sa bagong music album ng asawa niyang si Jessa Zaragoza.

Marami ang nagtataka sa title ng kanta kaya’t tungkol dito ang unang naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong nang makausap namin siya sa 4thPMPC Star Awards For Music.

Paliwanag ng singer-composer, “Kasi gusto ko ng isang song na feeling ko… gusto ko parang may struggle.

“Na kapag pinakinggan mo, alam mo yung pakiramdam na gusto mo pero ayaw mo. Pero alam mong dapat hindi na. Yung ganoong feeling.

“Ang daming nakaka-relate siguro doon.

"So, naisip ko lang yung… actually si Jessa ang nagsabi ng title na 'Ayoko Na.'

“That time, nakikinig ako sa music ni Adele. Na ganoong klaseng arrangement… piano and all.

“Pero may konting… yung lalim niya. Yun!

"I figured na bagay sa genre ni Jessa. And I think she did justice to it.

"I’m very happy the way it turned out. It’s exciting.”



POLITICAL COMEBACK. Dati nang tumakbo at nanalong konsehal ng Quezon City si Dingdong, hindi ba siya muling sasabak?

“As councilor? Hindi siguro ngayon.

"Kasi, unang-una, I’m not registered here [sa Quezon City].

“I’m registered in Siquijor [isang probinsiya sa Visayas].

“There’s so many things that I’m doing right now.

"I’m not closing the doors. Alam mo naman ang politics, di ba?