Nagsilang na ng malusog na baby boy ang komedyana at pulitiko na si Angelica Jones noong Setyembre 7. Pero ito ang mensaheng nais iparating ni Angelica sa ama ng kanyang anak: “Nandun yung kirot, masakit pala. Sobrang sakit, di ba? Kasi parang in-abandon niya yung sarili niyang anak. Ilang days ako sa ospital, ni anino or moral support, wala.”

Photo: Gorgy Rula

Naging maingay ang pagbubuntis ng komedyana at ngayo’y board member ng Laguna na si Angelica Jones.

Sa kalagitnaan kasi ng kanyang pagdadalantao ay lumitaw naman ang balitang hiwalay na sila ng ama ng kanyang ipinagbubuntis—isang doktor at pulitiko rin sa lalawigan ng Batangas.

(CLICK HERE to read related story.)

Nooong September 7, Huwebes, ay nagsilang na si Angelica via caesarean section ng isang malusog na baby boy sa St. Luke’s Hospital, sa The Fort, Taguig City.

Pinangalanan niya itong Angelo Timothy Benedict. 

Kuwento ni Angelica sa Ang Latest: Updated ng TV5 kanina, September 15, “Pagkalabas ng baby, para kang kangaroo. Pagkalabas ng baby, yung baby inilagay sa dibdib ko.

“Nawala yung kaba ko, nawala yung sama ng loob ko, anuman yung sakit na nararamdaman ko nang makita ko si Baby Angelo.”

THE FATHER OF HER CHILD. Ayon kay Angelica, masakit pa rin sa kalooban niya ang nangyaring paghihiwalay nila ng boyfriend niya, lalo na ngayong naisilang na niya ang dapat sana’y kukumpleto sa kanilang samahan.

Mangiyak-ngiyak na kuwento ni Angelica, “Nandun yung kirot, masakit pala. Sobrang sakit, di ba?

“Kasi parang in-abandon niya yung sarili niyang anak.

“Ilang days ako sa ospital, ni anino or moral support, wala.”

Ganunpaman, hindi naman daw ipagdadamot ni Angelica ang karangalang ipasunod sa apelyido ng ama ng kanyang anak ang kanilang baby.

Payag din daw ang kontrobersiyal na komedyana at pulitiko na samailalim sa DNA test ang kanyang anak.

Aniya, “Willing ako, willing.