Ito ang sagot ni Lian Paz sa akusasyon na nakita raw siyang may kasamang ibang lalaki sa Makati bago sila naghiwalay ng asawang si Paolo Contis: “Kung gagawa po ako ng kalokohan, bakit ko naman po ipapakita ko po nang harap-harapan, sa labas? Nakakahiya po yun sa akin bilang isang babae at isang ina.”

Photo: Rose Garcia

“Tapos po matagal po akong natigil sa industriya ng showbiz, so siya po talaga ang lahat na gumagastos para sa amin.”



THIRD PARTY? Tanong naman ni Cristy Fermin, isa sa mga hosts ng show: “Meron daw isyu na malapit nang magkahiwalay kayo noon ni Paolo, noong may nakakita na may kasama ka raw iba sa Makati? Totoo ba yun?”

Sagot ni Lian, “Ako po? Naku po, ang sakit naman pong isipin na  ganun po yung nabalitaan niya, o may nakita siya.

“Kasi lahat po ng lakad ko, ipinapaalam ko po sa kanya.

“Saka yung mga kasama ko po either sa Makati po ba ito, Ortigas po ba ito, ay mga nakatrabaho ko po ito, ka-meeting ko po.

“Tsaka hindi ko naman po siya ilalagay sa kahihiyan, kasi siyempre alam ko po ang ego ng isang lalaki.

“Kung gagawa po ako ng kalokohan, bakit ko naman po ipapakita ko po nang harap-harapan, sa labas?

“Nakakahiya po yun sa akin bilang isang babae at isang ina.”

ACCEPTANCE. Nasa Amerika ngayon si Paolo para sa show roon ng Manny Many Prizes ng GMA-7, paano kung pagbalik ng aktor ay buo na talaga ang loob nito at hindi na ito makipagbalikan sa kanya? Ano ang gagawin ni Lian?

Tugon ni Lian, “Kung buo na po yung loob niya, e, wala po akong magagawa doon.

“Mahirap naman po na ipilit ko pa po yung relasyon namin na hindi naman po masaya.

“Pero ang iniisip ko pa po ngayon is our kids, yung mga bata po, yun po talaga yung iniisip ko ngayon.

“Kasi naawa po ako sa mga anak ko kasi lumaki po ako na buo ang pamilya ko.

“Hindi ko po alam kung paano ako magsisimula kung ganito po yung mangyayari sa amin.”

Sa huli, inamin ni Lian na mahal na mahal pa rin niya ang asawa at nagpaabot pa siya ng mensahe dito.