Natupad na ang pangarap ni Gwen Zamora na gumanap bilang isang sirena, dahil ito ang role niya sa GMA-7 primetime series na Aso Ni San Roque.

Photo: Courtesy of GMA-7

Tila nalilinya ngayon ang Kapuso actress na si Gwen Zamora sa kontrabida roles.

Huling napanood si Gwen sa Biritera kunsaan naging kontrabida siya ni Glaiza de Castro. Ngayon ay nasa malaking cast siya ng GMA primetime telefantasya na Aso Ni San Roque kunsaan kontrabida na naman ang role niya.

Pero paglilinaw ni Gwen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi naman lahat naging kontrabida ako

“I did a guest role naman sa My Beloved as the young Rio Locsin. Mabait ako doon.

“Nasa Bubble Gang naman ako and they make fun of me there.

“But in playing kontrabida, may challenge talaga.”

Isang sirena ang papel na ginagampanan ni Gwen sa Aso Ni San Roque.

“I play Anaira in Aso Ni San Roque. Evil mermaid ako rito.

“Pumapatay ako ng mga fishermen and anybody na maligaw sa dagat.

“Ako ang reyna ng mga aswang ng tubig.”

Silaw raw nina Gardo Versoza, Angelika dela Cruz, at Paolo Contis ang evil creatures na gustong pumatay kay Mona Louise Rey, na gumaganap bilang Fatima sa kuwento.


DREAM COME TRUE. Inamin ni Gwen na isa sa mga pangarap niya noong bata siya ay ang maging isang mermaid.

“I guess every little girl naman has that wish, di ba?

“After you watch the movie The Little Mermaid, you feel na ang sarap maging sirena.

“So parang wish come true itong binigay nilang role sa Aso Ni San Roque. Yun nga lang, bad mermaid ako dito!” tawa niya.