Inutos ng bagong hukom na may hawak sa kaso sa pagitan nina Willie Revillame, ABS-CBN, at TV5 ang pagre-release ng P426 million surety bond na ibinigay noon ng Wil Time Bigtime host bilang paninigurong bayad sa danyos na maaaring magawa sa Kapamilya network ng pagho-host niya ng show sa TV5.

Photo: Melo Balingit

Nagpaabot ng kagalakan ang Wil Time Bigtime business unit head, na si Jay Montelibano, sa lumabas na balita tungkol sa pagkaka-release ng P426-million surety bond, na inilagak noon ni Willie Revillame, kaugnay ng kasong inihain laban sa kanya ng ABS-CBN noong 2010.

Matatandaang sinampahan ng counterclaim damage suit ng Kapamilya network si Willie. (CLICK HERE to read related story.)

Ito ay bilang reaksiyon sa nauna nang pagsampa ng dating Wowowee host ng mahigit kumulang sa P11-million damage suit laban sa dati niyang network, at paghingi ng judicial confirmation ng pagtatapos ng kontrata niya sa ABS-CBN. (CLICK HERE to read related story.)

Noong Oktubre 2010, sa resolusyon na inilabas ng may hawak sa kaso noon na si Judge Luisito Cortez ng Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 84, inutusan ng korte na magsumite ng P426,917,646.96 na surety bond si Willie.

Ito ay para raw sa danyos na maaaring magawa sa ABS-CBN, ng pagho-host ni Willie ng bago nitong show sa TV5.

Nobyembre 2010 nang magsimulang umere ang TV5 show ni Willie na Willing Willie, na nagpalit naman ng titulo na Wil Time Bigtime nung nakaraang taon.

Noong Biyernes, Setyembre 14, lumabas ang balitang pagre-release ng inilagak na P426-million surety bond ni Willie sa korte, ayon sa desisyong inilabas ni Judge Alexander Balut ng QC RTC Branch 76.

Si Balut na ang itinalagang hukom na didinig sa kaso sa pagitan nina Willie, ABS-CBN, at TV5, matapos na umapila ang Kapamilya station na mag-inhibit sa kaso ang may hawak noon na si Judge Cortez. (CLICK HERE to read related story.)

Sa report pa ng interaksyon.com, sinabi ni Judge Balut, sa kanyang desisyon na, "unnecessary" ang nasabing surety bond.

Sa kanya ring six-page order, ipina-dismiss ni Judge Balut ang application for preliminary injunction ng ABS-CBN.

Sinuspinde rin ni Judge Balut ang proceedings ng kaso ng TV5 laban sa ABS-CBN at kay Makati City Regional Trial Court Branch 66 judge Joselito Villarosa, habang hinintay ang finality ng desisyon na manggagaling sa Court of Appeals (CA).


HAPPY WILLIE. Sa text message na nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Jay Montelibano, ipinaabot nito ang kasiyahan sa desisyon ng korte.

Saad ng Wil Time Bigtime business unit head (published as is): “I would have been happier to read, ‘ABS-CBN CASE VS. WILLIE DISMISSED’ coz I personally feel that the headline of the release of the P426M bond was tamed down, but of course, all the same I’m happy and feel vindicated because the QC and Makati cases have both been dismissed by the RTC (and the CA as well)."

Tinanong ng PEP kay Jay kung ano naman ang nararamdaman ni Willie sa bagong development na ito sa kanyang kaso.

Text ulit ni Jay, “He is happy. He feels vindicated as well. It’s a big load off his mind.”