Tuloy na sa Miyerkules, Setyembre 19, 7 pm, ang Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy.
Dapat sana’y nung Agosto 31 ito naganap, pero na-postpone dahil sa pagsasailalim ni Zsa Zsa Padilla sa kidney operation. (CLICK HERE to read related story.)
Bagamat hindi napakasalan, si Zsa Zsa ang huling nakarelasyon at kinasama ni Dolphy sa loob ng 23 taon.
Kuwento ni Eric Quizon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, Setyembre 11, sa Emperor Room ng Imperial Palace Suites, “We decided to delay kasi nga the family decided to wait for Zsa Zsa.
“Kasi noong time na yun, yung date na yun ay ooperahan si Zsa Zsa.
“Supposedly, gagawin namin yung tribute. That’s why we decided to to delay it and mabuti na lang din the networks decided to wait for her also.
“I think it was a general consensus, e. Na parang napag-isipan na parang, it will be incomplete without Zsa Zsa.
“And mabuti na lang din at naging mabuti ang naging resulta ng surgery ni Zsa Zsa, and benign nga rin yung kanyang tumor.
“So, which is all good. So, it’s going to the right direction.”
Dugong pa ni Eric, palagi naman daw silang nag-uusap at nagbabalitaan ni Zsa Zsa kahit noong nasa States pa ito.
Panigurado pa niya, darating si Zsa Zsa sa tribute, pero hindi pa siguradong kakanta ito dahil nga kagagaling lang nito sa operasyon.
TV NETWORKS UNITE. Ang musical tribute para sa Hari ng Komedya ay isang pambihirang pagkakataon para sa Philippine television industry.
Magkakaisa kasi ang tatlong malalaking TV stations ng bansa sa pagpapalabas ng tribute nang magkakasabay.
Tagline nga ng tribute: “Kapamilya, Kapuso, Kapatid. Sama-samang magbibigay-saya.”
Sabi ni Direk Eric tungkol sa pagkakaisang ito ng tatlong bigating network, “Wala lang, naisip lang namin.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
3 xenaako
2 spotthedifference
1 gobernadora