Ayon kay Eric Quizon, kabilang sa mga malalaking bituin na magbibigay-kasiyahan sa Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy concert na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena, sa darating na Setyembre 19 ay sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Vic Sotto, Ogie Alcasid, Michael V, Ai-Ai delas Alas,  Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Lorna Tolentino, Joey de Leon, Nora Aunor, at Governor Vilma Santos-Recto.

Photo: Arniel Serato

“Kung ano’ng nangyayari sa isa, yun ang nangyayari sa tatlong networks.

“Simulataneous, sabay-sabay. Pati yung commercial, sabay-sabay din siya.

“Ang maganda lang dito, nagkakaisa ang lahat ang networks all for a good cause. All for Dolphy.”

THE SHOW. Ano ba ang maaasahan na mapapanood sa tribute concert?

“Ang makikita natin dito ay lahat, somehow, may koneksiyon sa daddy ko.

“Yung mga paborito niyang kanta. Maraming mga clips from his movies, yung mga nagsasayaw siya.

“Marami kaming mga nakitang mga materyal na nakikita natin siyang nagsasayaw.

“Maraming mga dance numbers dahil alam naman nating may dad is a dancer.

“And then of course, kumbaga, yung buhay na dinaanan niya, through the years, makikita natin dito in a form of a tribute,” pahayag ni Eric.

 

THE BIGGEST STARS FOR FREE. Ngayon pa lang ay inaantabayanan na ng mamamayan ang pagdating ng mga pinakamalalaking artista sa bansa mula sa tatlong istasyon.

Kumpirmado nang dadalo sa pagtitipon ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, at ang Star For All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos-Recto.

“Maraming mga nag-confirm—Martin Nievera, Gary Valenciano, Vic Sotto, Ogie Alcasid, Michael V, Comedy Queen Ai-Ai delas Alas,  Megastar Sharon Cuneta, Diamond Star Maricel Soriano, Grand Slam Queen Lorna Tolentino, Joey de Leon…madami,” pagbibida ni Eric.

“They’re all doing it for free. All for the love of my dad.

“So, ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako sa lahat. Sa kanilang lahat.”



DONATIONS IN THE FORM OF TICKETS. Dapat sana raw ay free entrance ang musical tribute para kay Dolphy.