Kahit na magkaiba sila ng opinyon tungkol sa Reproductive Health Bill, hindi raw nawawala ang respeto at pagmamahal ni Aiza Seguerra sa isa sa kanyang discoverers na si Senador Vicente “Tito” Sotto III. Kaya pakiusap niya sa mga bumabatikos dito: “Let’s focus on the issue, minsan kasi may ibang makahirit lang, hihirit. Just focus on the issue… Kung anuman ang opinion ng bawat isa, respect na lang… Be a bigger person, be a higher person.”

Photo: Noel B. Orsal

Pro-RH Bill si Aiza Seguerra.

“Ako, I’m pro-choice, I am pro-education,” sabi pa ni Aiza.

Sa nakaraang presscon ng Be Careful With My Heart para sa Saturday rewind ng nasabing programa na nagsimula na kahapon, Sabado, Sept. 15, ibinigay ng singer-actress ang kanyang dahilan kung bakit sinusuportahan niya ang isinusulong na pagsasabatas ng pinagtatalunan pang Reproductive Health Bill o RH Bill.

“Para sa akin, yung sinasabi nila, na di overpopulation ang problema, hindi ako naniniwala,” ani Aiza sa presscon na ginanap sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN, kamakailan.

“I believe na overpopulation is a big, big problem.

“Sabihin natin na ang government natin is naggo-grow. Pero sa sobrang dami ng problema natin, di pa kaya ng gobyerno natin.”

Ayon kay Aiza, isa talaga ang overpopulation sa maraming problema ng gobyerno.

Pero dapat din daw ay may responsibilidad ang mga mamamayan na maging edukado tungkol sa sex.

“Actually sa sex naman, di naman kailangan matalino ka.

“The problem kasi, yung mga ganung bagay, we don’t talk about it in our family.

“Well, in fact, dapat pinag-uusapan ‘yan within the family.

“Parang nararapat na turuan ang bagong henerasyon, kasi ano ang mangyayari years from now?

“Huwag na tayong magpakaipokrito… Pigilan ninyo ang mga sarili ninyo, ‘Oh my God!’ ‘Wag ganun.

“May mga ibang tao na nakakapagpigil, may mga iba na hindi.

“Why not give them a choice?”