Isa ang Kapuso artist na si Mikael Daez sa mga napiling Peace Ambassador ng Office of Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP). Kasama ni Mikael bilang Peace Ambassador ang iba pang mga sikat na artista, musikero, fashion designers, at atleta.

Photo: Ruel J. Mendoza

RESPONSIBILITIES OF A PEACE AMBASSADOR. Anu-ano ba ang mga obligasyon at responsibilidad ni Mikael bilang isa sa mga napiling Peace Ambassadors?

“Sa ngayon, ang unang gagawin namin ay i-promote ang [peace] campaign sa buong Pilipinas.

“Kailangang magkaroon ng awareness sa campaign, para kapag may mga aktibong proyekto ay aktibong magsasama ang mga Pilipino para matupad ang mga objectives ng peace projects.

“Sa ngayon ay wala pang tiyak na schedule ng ating mga gagawin, ngunit sigurado akong makukuha namin yun sa lalong madaling panahon.”

At kahit ngayong Peace Ambassador na siya, hindi naman daw magkakaroon ng conflict iyon sa pagiging artista niya.

“Pagdating sa schedule, hindi naman ako tatanggap ng project, unless kakayanin ko siya.

“Taping and promos for the show are usually laid out in advance, kaya hinihingi ko lang rin naman ang schedule for the peace campaign in advance.

“Kung magagawa ng mga kapwa Peace Ambassadors ko na ikasya ito sa kanilang schedules, dapat magagawan ko rin siya ng paraan.

“Commitment ang kailangan.”

 

SANA AY IKAW NA NGA AND ANDREA. Kinumusta naman ng PEP kay Mikael ang taping niya for GMA-7’s drama series na Sana Ay Ikaw Na Nga.

Kumusta na rin ba sila ng leading lady niya sa show na si Andrea Torres?

“Taping has been very good!

“Gumagaan ang trabaho dahil mas nagiging close kaming lahat sa set.

“Nae-excite na rin kami dahil padagdag nang padagdag ang drama sa mga script namin.

“It's very exciting and mas pinapagtiyagaan lang namin para ma-sustain ang positive reaction ng viewers sa Sana Ay Ikaw Na Nga.