Dahil may bagong proyekto sa GMA-7, baka raw hindi na magkaroon ng oras para sa isa’t isa sina Marian Rivera at boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

 

“Ay, bahala siyang gumawa ng paraan. In fairness din naman kasi sa kanya, talagang ume-effort din naman talaga siya. Ako, kahit nakaupo lang ako e dadating at dadating talaga siya,” nasabi na lang ni Marian tungkol kay Dingdong.

Photo: Noel B. Orsal

Ayon sa report ng Startalk TX kahapon, September 15, matapos ang pahinga after Amaya, muling mapapanood si Marian Rivera sa pinakabagong serye ng GMA, ang Temptation of Wife.

Adaptation ng sikat na Koreanovela ang bagong proyektong pagbibidahan nina Marian, Dennis Trillo, Glaiza de Castro, at ang bagong lipat sa Kapuso network na si Rafael Rosell.

“Halos dalawang buwan na akong walang trabaho, so, ayoko na.

“Gusto ko, ready na ulit ako at trabaho na ako uli, bawal magpahinga,” ang sinabi ni Marian sa story conference ng Temptation of Wife kamakailan na pinuntahan ng Startalk TX.

Halos sabay sila ng boyfriend na si Dingdong Dantes na sobrang busy ngayon sa kani-kanilang careers.

“Oo kasi may Protégé siya, may movie siya, ‘tapos ‘eto may soap,” sang-ayon ni Marian at tukoy na rin sa bago niyang show.

Bukod nga sa talent reality show na hino-host, may Tiktik: The Aswang Chronicles pa si Dingdong na ipalalabas na sa October 17.

Hindi kaya mawalan na sila ng oras para sa isa’t isa?

“Ay, bahala siyang gumawa ng paraan,” ang tumatawang sabi ni Marian.

“In fairness din naman kasi sa kanya, talagang ume-effort din naman talaga siya.

“Ako, kahit nakaupo lang ako e dadating at dadating talaga siya.”

Ano ang masasabi ni Marian sa role niya bilang Angeline sa Temptation of Wife?

“Nakakatuwa, very challenging din yung role ko dito kasi naging mabait ako.

“Sa My Beloved hindi naman masyado, sa Amaya, puwede na.

“Pero ito talaga yung character na hinihingi na talagang martir, sobrang bait. So, matsa-challenge na naman ako.”