May panahon noong walang ginagawa si Steven Silva matapos na manalo sa StarStruck 5 kung dapat pa ba siyang magtagal sa showbiz.

 

“May mga times dati na habang wala akong shows, wala akong mga raket, naiisip ko, parang…ano ang work ko sa GMA? Baka nakalimutan na ako or something… Pero ngayon, mas naging busy ako. Nagkaroon ako ng bagong show. Parang mas naging confident ako that this would be a good year for me,” sabi ni Steven.

Photo: Noel B. Orsal

Masaya ang Kapuso artist na si Steven Silva.

Ito ay dahil sa magagandang feedback na natatanggap niya sa ginawa niyang pagrampa sa Bench Universe The 2012 Denim and Underwear Show na ginawa SM MOA Arena nung September 13 at 14.

“Nakakatuwa naman kasi, ang dami kong natatanggap na magagandang comments sa Twitter.

“Marami ring nagti-text na natuwa raw sila. Iba-ibang comments. Happy naman ako,” nasabi ni Steven sa pakikipag-usap nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung Sabado, September 15, sa isang restaurant sa Timog, Quezon City.

“Actually, sa Bench underwear show, ang gusto ko talaga, makita ng mga tao na mas gumanda ang katawan ko.

“Nang makita ko ang mga pictures ko dati sa underwear show, sobrang payat ko.

“Hindi siya yung payat na may muscle, wala akong muscles. As in, payat lang.

“Medyo siyempre, two years na yun at nagdyi-gym ako.

“Sa tingin ko, medyo lumaki na nga ang katawan ko at medyo gumanda siya.

“Siyempre, ayoko naman na after two years, ganoon pa rin ang katawan ko at walang improvement.”

Anu-ano nga ba ang mga ginawa ni Steven para mag-improve ang katawan niya?

“Well, I play soccer. Nagsa-soccer ako sa UFL [United Football League]. Liga talaga para sa football sa Pilipinas. 

“May tatlong division. Kami yung nasa second division. Yung first division, mga Azkals players. Yung magagaling na talagang mga players.

“’Tapos, tuluy-tuloy na gym, at yung last month naman, nagda-diet ako. 

“Parang yung last month talaga yung diet na seryoso. At nalaman ko na mahirap talagang mag-diet. Pero nagtiis lang ako para maging prepared ako sa Bench.