May panahon noong walang ginagawa si Steven Silva matapos na manalo sa StarStruck 5 kung dapat pa ba siyang magtagal sa showbiz.

 

“May mga times dati na habang wala akong shows, wala akong mga raket, naiisip ko, parang…ano ang work ko sa GMA? Baka nakalimutan na ako or something… Pero ngayon, mas naging busy ako. Nagkaroon ako ng bagong show. Parang mas naging confident ako that this would be a good year for me,” sabi ni Steven.

Photo: Noel B. Orsal

Sagot ni Steven, “Sa totoo lang, hindi ko rin alam. 

“Kasi, I tried to do my best. Kung anuman ang sabihin nila sa akin or sasabihin nila, ‘Steven, ang kulang sa ‘yo ganito.  Kulang sa ‘yo sa dancing, sa Tagalog.’

“Ginawa ko naman ang best ko to fill the gap. Para mas maging ok yung Steven.

“So, everything that they asked for, ginawa ko. Wala akong ideya kung may kulang.”

BEING COMPARED. Pero kapag naikukumpara naman daw siya sa ibang kasabayan niya, nagiging positibo naman ang epekto nito sa kanya.

“Siyempre, kapag kino-compare ako sa ibang stars, kapag mas busy sila, mas marami silang projects, siyempre ako, nadi-discourage ako ro’n. 

“Kasi, wala akong control do’n. Wala akong hawak do’n kung ano ang meron sa kanila na wala sa akin.

“So, parang ako naman, I listen to what they say pero at the end of the day, I have to do what I can do. 

“At saka, lahat naman ng mga bagay, everything that I can control, that’s what I have to focus. 

“Kasi, kung magpo-focus ako sa ibang artists at kung ano ang meron sa kanila, paano naman ako, di ba?

“I need to focus on myself kasi, hindi naman ako puwedeng mag-focus sa iba.  So, parang ganoon ang attitude ko.”

Naniniwala naman daw si Steven na palagi siyang makukumpara sa mga kasabayan niya tulad nina Enzo Pineda at Rocco Nacino.

“Siyempre, nanggaling ako sa StarStruck. So, forever, magku-compare sila na ako kay Enzo, kay Rocco. Kasi, lahat kami nanggaling sa StarStruck

“But at the end of the day, siyempre, natapos na ang StarStruck, matagal nang natapos.