news

Jestoni Alarcon gets reunited with his loveteam partner Rita Avila in Sana Ay Ikaw Na Nga

by Ruel J. Mendoza posted on September 16, 2012  STATS: 15551 Views | 14 Comments

“Kami naman kasi ni Rita, talagang trabaho ang ginagawa namin noon. Kapag sinabi na kailangang magmukha kaming sweet tuwing may promo kami ng pelikula, ginagawa namin. Madali pa kasing mapaniwala ang mga manonood noon, e… Kaya akala ng mga fans na naging kami. Pero ang totoo, may sarili kaming mga dine-date noon,” pagtatapat ni Jestoni Alarcon (main picture) tungkol sa kanila ng ka-loveteam niya noong 1980s at 1990s na si Rita Avila (inset).

Photo By: GMA-7

Natuwa si Jestoni Alarcon nang muli silang pagsamahin ng kanyang ka-loveteam noong ‘80s at ‘90s na si Rita Avila sa afternoon drama series ng GMA-7 na Sana Ay Ikaw Na Nga.

Twice pa lang kasi nagkasama sa drama series sina Jestoni at Rita.

Una ay sa Marimar at pangalawa ay sa Darna.

Pareho raw na saglit lang ang paglabas nila sa mga naturang series.

Ngayon sa Sana Ay Ikaw Na Nga ay gumaganap silang magulang ni Andrea Torres.

Si Jestoni ay si Ricardo Peron na originally ay ginampanan ni Joey de Leon at si Rita naman ay si Mariana Fulgencio na unang ginampanan ni Jaclyn Jose.

Huling napanood si Jestoni sa drama series na Makapiling Kang Muli at na-excite nga ito nang sabihing magbabalik ang tambalan nila ni Rita sa Sana Ay Ikaw Na Nga.

“Siyempre naman, happy ako. Kasi si Rita, isa ‘yan sa mga naging mabuti nating kaibigan ever since nagsimula tayong mag-artista.

“Unforgettable ang tambalan namin noon sa Seiko Films at nakakatuwa na hanggang ngayon ay kilala pa rin kami ng marami.

“Nagkasama na kami before, pero guest role lang kami, kaya one or two taping days lang kami.

“Ngayon, pangmatagalan na ang pagsasama namin sa Sana Ay Ikaw Na Nga,” sabi ni Jestoni nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang guesting sa show ni Chef Boy Logro na Kusina Master kamakailan.

Isa sa mga sikat na loveteams ng Seiko Films ang tambalang Jestoni at Rita.

Nagtambal sila sa ilang comedies, tulad ng Di Bale Na Lang (1987), Ako Si Kiko Ako Si Kikay (1987), Leroy Leroy Sinta (1988), Rock-A-Bye Baby Tatlo Ang Daddy (1988), at Mirror Mirror On The Wall (1988).

Nagkapareha rin sila sa mga drama movies na tulad ng Huwag Mong Buhayin Ang Bangkay (1987), Hiwaga Sa Balete Drive (1988), at action films na Walang Panginoon (1989), Kunin Mo Ang Ulo Ni Ismael (1990), Babayaran Mo Ng Dugo (1989), at Kristobal: Tinik Sa Korona (1990).

Huling pelikula na nagsama sina Jestoni at Rita ay ang God Save The Babies noong 1994.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

14 Comments

  • 14  winged_angel

    09/18/2012 | 12:29 PM
    Such a good looking pair! Pareho pang mabait at gracious.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  aiveec

    09/18/2012 | 11:22 AM
    Gusto ko rin noon ang love team ni Jestoni at Rita... Ang guwapo at ang ganda nilang dalawa, mula noon at hanggang ngayon. Parang ang bait pa nila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    modelboy
    09/18/2012 | 01:53 PM
    rita is the girl with a million dollar smile
  • 12  rhiamags

    09/18/2012 | 12:36 AM
    next na ang romnick-sheryl-jennifer sevilla...william and maricel...bobot and ate vi. kasalanan ng walang hanggan ito! lol!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  mysterious123

    09/17/2012 | 11:17 PM
    Happy excited for both of them....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  Xray

    09/17/2012 | 02:10 PM
    Sayang, ang mga lahi ni Rita ang dapat magparami sa mundo kaya lang hindi siya pwedeng magka-anak. Same with Alice Dixson and Korina Sanchez. Oh well, basta happy and contented sila sa buhay ay okay na rin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • netadix

    09/17/2012 | 12:31 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • netadix

    09/17/2012 | 12:30 PM
    Huwatttt? Hindi naging sila? So hindi rin totoong pinagselosan ni Rachel Lobangco si Rita Avila dati? I so love Rita Avila!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • SpaghettiBolagnese88

    09/17/2012 | 11:50 AM
    Kahit matanda na HOT pa rin. Woooooowoooot!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • soy_tu_duena

    09/17/2012 | 10:50 AM
    if its from seiko it must be good!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kadabarkads

    09/17/2012 | 06:57 AM
    hay, ang gwapo pa rin nya. Miss ko na ang mga gwapong artista sa tv...julio diaz,jestoni and richard silang tatlo lang ang gwapo sa showbiz ala ng iba,hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • modelboy

    09/17/2012 | 04:46 AM
    isa sa mga sikat na loveteam ang jestoni rita noong late 80's and early 90's. I was a fan, ganda pa rin ni Rita, the girl with a million dollar smile, courtney cox of philipine movies
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • washdckami

    09/17/2012 | 02:28 AM
    tatalunin daw nila ang dawn at richard hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    09/17/2012 | 01:03 AM
    tunay na adonis.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    09/17/2012 | 12:41 AM
    Mas like yata ni Rita na magtrabaho sa GMA, kasi naman sa DOS nilalait yung pag aalaga niya ng dolls. Tatak kapamilya talaga hihihi. Good luck sa balik tambalan nyo ni Jestoni. Na alaga ni Popoy. Very effective na manager talaga si Popoy Ganda, halos lahat ng kanyang alaga ay busy.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    glen
    09/17/2012 | 03:56 AM
    Sana kasi sinama mo yung mga friends mong lamok, langaw at bangaw at in explain sa mga nanlalait sa kanya na ok lang yun. Kung totoo man yang script mo na yan. Haha!
    landstown
    09/17/2012 | 08:49 AM
    iba talaga pag kapuso,magandang mag alaga.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About