[x]

Ano ang epekto ng mga titig ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo: "Kasi kahit yung mas matatanda na ganyan, pag tumingin, parang… hindi niya alam ha, unconsciously, ginagawa niya yung mga tingin na ‘yon. Na parang, magme-melt ka, parang gano’n yung sinasabi nila. So, pag naman tumingin siya, makikita mo na parang ikaw lang ang tinitingnan niya, wala nang iba. So, mao-awkward ka."

Photo: Melo Balingit

Kathryn: “Yun lang ang sinabi sa amin nung tinext pero di ko alam kung may binago po sila ngayon. Kasi hindi pa rin kami nag-aano, e, storycon. Hindi pa kami mini-meeting regarding sa movie.”

PEP: Ito na yung hinihintay ng mga fans ninyo na pagpunta ng KathNiel mula sa TV papuntang big screen?

Kathryn: “Opo, yun na, hinihintay nila. Tapos suwerte pa kasi, of course, kasama si Miss Kris Aquino pa tapos si Vice Ganda. So, for family talaga.”

Daniel: “Saya!”

PEP: Paano pag idi-dissolve ang loveteam ninyo at ipares kayo sa iba?

Daniel: “Huwag n’yong sabihin ‘yan. Masyado pang maaga para pag-usapan ‘yan.”

PEP: Pag na-dissolve ba yung loveteam, itutuloy mo pa rin ba yung panunuyo kay Kathyrn?

Daniel: “Depende po sa kanya, malay n’yo magustuhan niya yung ka-loveteam niya. Depende, kapag nagustuhan niya ‘yon, papatayin ko yung ka-loveteam niya! Hindi, loko lang! Kaya mag-ingat kayo na papalit sa akin, ha. Hindi, loko lang! Depende po ‘yon. Hindi pa naman po natin alam mangyayari sa future, e, bahala na po ang Diyos na naman sa akin.”

PEP: Ano ang expectations ninyo sa movie, epekto ng movie sa career ninyo?

Kathryn: “Ako kasi, ayaw kong nag-e-expect kasi feeling ko, pag nag-expect ako, hindi siya mangyayari. So bahala na kung ano ang magiging reaction nila after the movie… Tingnan na lang natin.”

Daniel: “Mas maganda po yung wala kang expectations… magulat ka na lang.”


DANIEL’S HAIRSTYLE. Napansin naman ng special guest co-host ng PEP Talk na si Anna Pingol ng YES! ang madalas na pag-ayos ng buhok ni Daniel during the interview, kaya tinanong niya si Kathryn kung ganun ba talaga ang kapareha niya.

 

Kathryn: “Opo!”

Na-anticipate naman ni Daniel ang tanong ni Rommel Llanes na ikinukumpara ang hairstyle niya sa Canadian pop singer na si Justin Bieber.

Daniel: “Sabi ko na nga, e.”

Kathryn: “Yun po peg niya!”