Mas kilalang bossa nova singer si Sitti, pero nakasali na rin siya sa ilang musical productions tulad ng Katy: The Musical at Spring Awakening. Ano ang kaibahan ng mga musical sa mga concert na kanyang nagawa?: “In terms of the music and the song, mas malaki yung emotional involvement dito sa musical theater. Kasi hindi  puwedeng i-deliver mo lang yung songs, according to your interpretation.”

Photo: Arniel C. Serato

Sagot niya, “Lovelife? Hindi ko rin  alam, e. No, I dated naman pero super-wala, e.”

Choosy ba siya pagdating sa mga manliligaw niya?

“Hindi naman… ewan ko,” pagtanggi nito.

Ano ba ang ideal man niya?

“Ideal man? Siguro, someone with sense of humor.”



GENDER ISSUE. Normal nang intriga sa showbiz na kapag single ang isang tao ay pagdududahan ang kasarian nito.

Paano kung pag-isipan ng iba na tomboy siya?

“Ay naku, no, definitely not… hindi!” sabay halakhak na sagot nito.

Habol pa niya, “Ewan ko siguro, alam mo kasi, the problem with guys these days, I think they’re just not men enough to stand up and really pursue someone…

"So ayun, I’m just waiting.”