Si Melissa Ricks ang cover ng September 2012 issue ng FHM magazine.
Gaya ng kanyang inaasahang concept sa pagpayag niyang mag-cover para sa FHM, isang underwear at swimsuit fashion pictorial niya ang lumabas.
Nagpa-presscon ang FHM para kina Melissa at Gerald Anderson, na siya namang cover sa FHM Collections special supplement issue, noong September 13, sa Holiday Inn, Ortigas, Pasig City.
Panay ang sabi ni Melissa na masaya siya sa nakita niyang mga larawan sa nangungunang men's magazine sa bansa.
Noong una’y lingid daw sa kaalaman ng kanyang mga magulang na magpo-pose siya nang sexy sa FHM.
Pero tiniyak naman sa kanya ng FHM noong una pa lang na safe ang mga gagawin niyang photo shoot sa Hong Kong.
CAREER MOVE? Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Melissa kung bakit inilihim niya ang kanyang pictorial sa kanyang mga magulang.
Paliwanag ng 22-year-old actress, “Kasi pag sinabi mo na agad na FHM, it’s a sexy magazine, and I didn’t wanna to throw them off kaagad.
“Kasi hindi ko pa na-explain yung concept at kung ano yung meron... so yun ang ginawa ko.
“I’m of age na rin at hindi naman ako pababayaan ng FHM.
“Hindi naman ako gagawing bastusin at alam kong babantayan naman ako ng Star Magic.
“Sigurado naman akong magugustuhan nila ang outcome.”
Career move ba ito?
“Hindi naman,” tanggi ni Melissa.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
19 fecatada
18 fecatada
17 bac_tol
16 milomilo123
15 ian15yeah
14 tanjo143
13 shyleen_uae
12 septembersapphire
11 kayako
10 kayako
9 trinoma_rat
8 gibraltar
7 gibraltar
6 cj_03
5 BrunoEsmeralda
4 puckerlips143
3 lovetrip
2 geraldethel
1 BrunoEsmeralda