news

American Idol runner-up Jessica Sanchez hopes to meet Pinoy relatives during her stay in the Philippines

by Nerisa Almo posted on September 18, 2012  STATS: 10525 Views | 16 Comments

“Visiting my family is one thing I really wanna do. But I think I’m gonna be way too busy,” says Jessica Sanchez when asked if she is going to visit her relatives in Bataan during her stay here in the Philippines. Jessica and the other nine American Idol 11 contestants are currently in Manila for their one-night concert on Friday, September 21, at the Smart-Araneta Coliseum.

Photo By: Nerisa Almo

Kung may pagkakataon, nais ng American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez na bisitahin ang mga kamag-anak niya dito sa Pilipinas.

Nasa bansa ngayon si Jessica kasama ang siyam pang Idol finalists mula sa nakaraang season ng American singing talent show.

Magkakaroon sila ng one-night concert sa Smart-Araneta Coliseum sa Biyernes, Setyembre 21.

“If I have any downtime, I want to definitely visit my family,” sabi ng 17-year-old Fil-Mexican singer sa ginanap na round-table interview para sa Top 10 ng American Idol Season 11, sa Manila Hotel, kaninang hapon, Setyembre 18.

Patuloy pa ni Jessica, “Visiting my family is one thing I really wanna do. But I think I’m gonna be way to busy.”

Bagamat laking-Amerika, kilala naman ni Jessica ang lahing pinanggalingan ng kanyang ina.

Ang ina ni Jessica na si Editha Bugay Sanchez ay mula sa bayan ng Samal, Bataan.

Ayon sa ulat ng Philippine Star noong Setyembre 12, sinusubukan pang ayusin ni Samal town Mayor Gene Malibiran dela Fuente ang pagbisita ng American Idol alumna sa kanilang bayan sa pamamagitan ng manager ni Jessica.

Kung mangyayari ito, isang hero’s welcome daw ang ihahanda ng local government ng Samal para kay Jessica.



STAYING IN THE PHILIPPINES. Pagkatapos ng concert, maiiwan si Jessica sa Pilipinas para sa ilang endorsement deals.

“I’m actually staying here in the Philippines, after they leave, for a couple of endorsement deals,” sabi ni Jessica.

Kasama na marahil dito ang pagiging endorser niya ng local clothing brand na Bench.

Matatandaan na noong Hulyo ay mismong ang may-ari ng Bench na si Ben Chan ang nag-announce nito sa kanyang personal account sa Twittter:

“We are thrilled to welcome the voice that has won the hearts of many. Truly proud to have @JSanchezAI11 part of the #Benchsetter family.”

Ang concert ng Season 11 Idol hopefuls sa Pilipinas ang huling performance nila para sa American Idol Live Tour 2012.

Kasunod nito ay magiging busy na si Jessica sa ginagawa niyang music album.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  298

    09/22/2012 | 12:17 PM
    Jessica, why only now? Why couldn't you hope to meet your pinoy relatives before you needed us for your career?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  real_scores

    09/19/2012 | 10:21 AM
    Good to see them, AI top 10 finalists, kanina sa Unang Hirit!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    real_scores
    09/19/2012 | 10:56 AM
    Kaya trending ang word na UNANG HIRIT sa twitter as I write this comment!
  • 14  kontilang

    09/19/2012 | 10:14 AM
    love this girl soooo much! good luck Jay! God bless you and the rest of the idols here in Manila. sana maganda weather para lahat happy ;D
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  myca_bag

    09/19/2012 | 09:53 AM
    gusto ko sanang manood pero sobrang mahal daw ng ticket. youtube na lang ako. hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  milomilo123

    09/19/2012 | 08:31 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  sweetum

    09/19/2012 | 04:32 AM
    I love her. I think Americans were not ready yet to have an asian-mexican idol kaya natalo sya. In fairness, magaling talaga si Jessica, kaso lang charismatic talaga si Phillip. One more thing, hit na hit yong single album ni Philip na ginamit pa ng US as a theme song sa Olympic. Pareho silang talented in different ways nga lang. Sana both of them will really become succesful. To Jesssica, let your feet stay on the ground, and be nice to people kahit sa media dahil sila ang nagdala sayo at lalong magdadala sayo sa kasikatan at sila rin ang pwedeng humila sayo pababa. Parang lola lang ang advise, lol!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    aiveec
    09/19/2012 | 09:35 AM
    Ginamit din ang kantang Home ni Phillip Phillips sa Clint Eastwood na Trouble with the Curve... I also like both Phillip and Jessica but I also admit that Phillip has charisma at may sariling style. During the show, naging parang copy cat si Jessica ng mga divas.. Hindi na uso ang mga ballads na kinanta niya sa AI... Ang mga nabebenta at uso ngayon ay country, pop at rock. Hindi ballad... Oh well, I still like both of them and I want both to succeed.
  • 10  coffeestate

    09/19/2012 | 12:55 AM
    Tigilan nga ako ng mga nagcocomment dito na hindi proud si jessica at american sya at kung anong kaek ekan sinasabi nyo dyan. Hindi nyo naman kasi siya nasubaybayan, ako sinubaybayan ko sya umpisang umpisa pa lang ng American Idol with her twitter account at sinabi nya na agad na Filipina sya, na kumakain sya ng Filipino food at kung anu-ano pa na nagpapatunay na hindi siya nahihiya at hindi siya gumigimik lang.. Yung mga nagcocomment na to wala namang mga FACTS pero salita prin ng salita kakairita!
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    washdckami
    09/19/2012 | 07:33 AM
    tama, ako rin since ng mag start yan nasubaybayan ko
    glen
    09/19/2012 | 09:36 AM
    mas maingay kasi pag empty can.. you know.
    kontilang
    09/19/2012 | 10:07 AM
    korak ka diyan! ako rin big fan ng AI. from the start sinabi na niya na half Pinay siya. after ng makuha siya sa audition for hollywood, ang kinain daw niya lumpia.
  • Manamalady

    09/19/2012 | 12:12 AM
    I got to watched the AI's sa presscon kanina sa 24 Oras. And I confirmed something after watching. Acng laki pala tlga ng bunganga ni Jessica sanchez. Sowi po sa mga fans nya. Nagsasabi lang po ng totoo.
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    sweetum
    09/19/2012 | 04:37 AM
    That makes her a great singer. One thing the vocal coach ask their students is to have their mouth wide open all the time, so siguro nabanat. My son auditioned for Children's Choir last time, at yon kagad ang comment ng coach sa kanya, to practice and stretch her mouth.
    aaronick
    09/19/2012 | 07:01 AM
    So? Does it make her less of a singer? Aanhin mo naman ang maliit na bunganga kung wala namang lumalabas na magandang tinig diyan? So kung malaki ba or maliit na bunganga, kabawasan na yan sa kagandahan mo? Yung bunganga ni Anne Curtis, kasinglaki ng The Arena sa MOA. Anong masasabi mo dun?
    lefty
    09/19/2012 | 07:49 AM
    hindi nga sya kagandahan kahit wlang special sa kanyang pagkanta na makikita naman natin sa nga biritera ng pinas ok na rin sya kahit papano..
    aaronick
    09/19/2012 | 08:03 AM
    Eh hindi naman ganda ang issue dito eh. Ang issue boses. At saka maaaring nakikita mo sa mga biritera ng Pinas ang mga nagagawa ni Jessica. Pero anong meron si Jessica na wala ang mga biritera dito? International exposure. So kahit magtata-tumbling sila sa Kodak Theater, mas sikat itong batang ito kesa sa mga kagandahang biriterang yan.
  • lhyrt

    09/18/2012 | 11:37 PM
    Ofcourse she`ll grab this oppurtunities. After this world tour concert of them. I haven`t heard news about her next project in US. Good for her
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pepdito

    09/18/2012 | 11:36 PM
    Sa una ayaw nyang ikabit ni Jessica ang sarili as half pinay,mas proud sya bilang Latina. Kinakagat nya lang ang pagiging Pinoy pra makadagdag sa sales ng album nya.Ok lang na singer,hype lang masyado dahil Americal Idol sumali,pero mas talented ang local at homegrown artists na nasa ASAP at SOP.Mahihilig lang kasing makisawsaw ang mga Pinoy sa mga AI contestant wannabe.
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    winklebee
    09/19/2012 | 12:29 AM
    wla ng SOP. Party Pilipinas na...
    cinelamour
    09/19/2012 | 03:38 AM
    pepdito is blabbering.
    aaronick
    09/19/2012 | 07:00 AM
    Blabbering talaga. Kasi feeling close kay Jessica. Siguro gaiwn mo, punta ka youtube. Panoorin mo lahat ng mga clips niya bago pa man siya sumali sa idol at isa pa siyang unknown. Alamin mo kung ano ang mga kinakanta niya. Mostly Tagalog songs. Regine songs. And then tell us kung ayaw niyang ikabit ang pangalan niya sa pagiging Pinay.
    septembersapphire
    09/19/2012 | 01:21 PM
    in the first place kaya sumali si jessica sa AI is because she is an american... naturalized man lang or US born pero she is american citizen. We filipinos, wag na tayong mag tampo kc mahilig tayo mag claim ng sumisikat na may dugong pinoy tapos na sesensitive agad pag di ina acknowledge ung pinoy blood or kung hindi masyado punapaboran ung pinoy na ancestry... cmon, she sees herself as an american first ..wala tayong magagawa dun. lets just focus on her talent
  • cj_03

    09/18/2012 | 10:17 PM
    Mas maganda pla xah pg walang make up.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • gobernadora

    09/18/2012 | 09:28 PM
    okay lang na bigyan sya ng WELCOME PARTY SA SAMAL BATAAN, bibihirang magkaroon ng ganyang karangalan. Aminin natin, na magaling sya at may dugong Pinoy kaya, hayaan na natin yan sa mga kinauukulan lalo sa Bataan. WLECOME JESSICA SA BAYAN NG BAYANI'T BANAL...ANG BATAAN!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • schokolade

    09/18/2012 | 09:00 PM
    Heroes welcome? ano ba yan ang daming dapat mas unahin bat itong mayor pa ang nangunguna. Hayst Mayor iba na lang atupagin mo yung mga nangangailangan dyan sa distrito mo. Okay!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    trinoma_rat
    09/18/2012 | 10:00 PM
    sige, 'teh, di ka na lang namin invite sa parada. 'teh naman, di naman sinabing pababayaan na ng mayor ang iba pang concerns ng bayan nya? naman. ay teka 'teh. bat mo nga pala inuuna ang pagcomment dito? ginawa mo na ba ang mga civic duties mo like pagwawalis ng mga basura sa lugar? ang pag aayos ng mga problema ng pamilya mo? etcetera?
  • bhengot

    09/18/2012 | 08:33 PM
    I like her but she's not a Filipina, she's American otherwise di sya pwedeng sumali sa AI. She herself is not very vocal about her being a filipina.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    trinoma_rat
    09/18/2012 | 08:41 PM
    "My family" na nga sabi sa article.
    aaronick
    09/18/2012 | 08:58 PM
    Of course, she's not. She's an American citizen. Pero teh! Filipino blood and heritage. Kailangan pa bang i-memorize yan? Saka talagang may "she herself"? Close kayo? May ganon talaga na alam mong hindi siya vocal sa pagsasabing Pinay siya? Eh sa sobrang pagiging vocal nga niya sa pagka-Pinay niya, sinasabi ng iba na nae-alienate yung mga Latino fans niya sa AI na maaaring makatulong para iboto siya. Let's face it. She's not pure Pinay.
    septembersapphire
    09/19/2012 | 01:22 PM
    obviously she is an american thats why she joined american idol... dont focus on her nationality... focus on her talent
  • Uripon

    09/18/2012 | 08:29 PM
    Ayan napalitan na. Sa sobrang galit mali pa spelling ng September.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    trinoma_rat
    09/18/2012 | 08:41 PM
    hahaha.
  • SpaghettiBolagnese88

    09/18/2012 | 08:24 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    trinoma_rat
    09/18/2012 | 08:41 PM
    excited ka rin, 'teh?

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About