[x]

Ang Kapuso heartthrob na si Alden Richards (in photo) ang huling rumampa sa Cosmo Bachelor Bash 2012 na ginanap kagabi, September 19, sa World Trade Center. Sabi ni Alden tungkol dito: “Hindi ko naman po kasi ine-expect na ako ang huling lalabas for this Cosmo Bash. Pero ginabayan lang po talaga ko ni Lord kaya po siguro ganoon.”

Photo: Noel Orsal

Tilian at sigawan ang mga tao sa paglabas ni Alden Richards sa stage sa ginanap na Cosmo Bachelor Bash 2012, kagabi, September 18, sa World Trade Center.

Isa si Alden sa Top 10 Centerfolds ng Cosmo ngayong taon.

Dahil wala ang cover boy na si Paulo Avelino, ang first-timer na si Alden ang huling rumampa sa stage.

Lumabas ang Kapuso heartthrob bilang isang pizza delivery boy.

Pinunit nito ang ilang bahagi ng kanyang suot na pants, pero hindi niya ito hinubad nang tuluyan tulad ng ibang Cosmo men.

FIRST TIME. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa backstage ng World Trade Center pagkatapos ng event.

Nakangiting pag-amin ni Alden, nandoon ang kaba noong lumabas siya sa stage.

Aniya, “Siyempre po, first time, hindi po maiiwasan. Nangangapa pa ng konti.

“Pero nag-enjoy naman po ako. First time, ang daming tao. 

“But I had fun. It’s a very fulfilling experience.”

Plinano niya ba ang lahat ng ginawa niya sa stage?

“Siguro po yung iba, on the spot. Pero yung pag-rip ng pants, medyo plinano ko na rin po before.”

Aminado si Alden na kumpara sa ibang rumampa kagabi, sandali lang siyang nakapaghanda para sa Cosmo Bachelor Bash 2012.

“Saglit lang po, wala pa pong one month.