[x]

Nilinaw ni Jennylyn Mercado na wala siyang kinalaman sa paghihiwalay ng mag-asawang sina Paolo Contis at Lian Paz. Ang tanging reaksiyon na lamang niya sa isyu ay ito: “'Kaloka!”

Photo: Noel Orsal

Natutuwa si Jennylyn Mercado sa nakikitang improvement sa natitirang siyam na Protégé contenders.

Malaki na raw ang ipinagbago sa performances ng mga natitirang contenders sa artista search ng GMA-7.

"Kasi talagang every day mayro'n silang iba't ibang workshop, may iba-ibang schedule.

"Mayro'n silang acting workshop, may dance... Recently nag-hosting sila, hosting workshop sila, tapos may singing, ang dami!

"Talagang dine-develop sila nang sobra-sobra. Ngayon, ang laki na ng developments ng mga contestants."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Jennylyn sa taping ng afternoon soap niyang Hindi Ka Na Mag-iisa kahapon, Setyembre 18, sa Quezon City.



COMPARISON WITH OTHER SHOWS. Maraming talent search programs ang umeere ngayon sa iba't ibang networks.

Kaya naman hindi maiwasan na maikumpara ang Protégé sa mga shows tulad ng Artista Academy ng TV5 at X Factor Philippines ng ABS-CBN.

Gayunman, sa opinyon ni Jen, hindi dapat ikumpara ang hinu-host niyang show sa mga programa ng ibang network.

Aniya, "Unang-una, nagsimula naman talaga yung Protégé na parang singing competition.

"Pero ang concept niya, nakatira sila sa isang bahay, pero singing competition siya.

"This time, ginawa na nilang parang artista search, na parang naka-plot… ang plot niya parang StarStruck, pero nakatira na sila sa isang bahay.

"So, iba naman siya, iba naman siya sa ibang talent search show."

Ang StarStruck ang dating reality-based artista search ng GMA-7 kung saan nanalo si Jennylyn bilang kauna-unahang Ultimate Female Survivor.



PAKIKISAMA. Kung si Jen ang tatanungin, ang "pakikisama" ang isang ugali na hindi dapat mawala sa Protégé contestants.

Iyon daw ang isang bagay na "natutunan" niya sa ilang taon na pagtatrabaho sa showbiz.

"Kasi yung industriya na 'to, napag-aralan ko, na 'yan talaga kailangan.