Glaiza de Castro on her zero lovelife: “May list of priorities kasi ako at nasa huli ang pagpasok sa isang relasyon. Marami pa akong gustong matupad sa buhay, sa sarili ko, bago ko masabing ready na ako for someone na mamahalin ko. Sa ngayon, importanteng relasyon sa akin ay ang relasyon ko with God, my family, my work, my studies at with my friends.”

Photo: Courtesy of GMA-7

“Tsaka si Direk Dominic Zapata ang director namin kaya may tiwala ako na magiging maganda lahat ng eksena.

“Huli kong nakatrabaho si Direk Dom sa Grazilda at naging maganda ang pakikipagtrabaho ko with him.”

MARIAN & DENNIS. Excited na rin daw si Glaiza na makatrabaho ulit sina Marian at Dennis.

“Si Marian ay huli kong nakasama sa Amaya. Si Dennis naman sa Biritera.

“Pareho silang masarap katrabaho kasi magagaling silang mga artista.

“Lalo na dito sa Temptation of Wife, marami kaming mga eksena na magkakasama. Kaya magiging very collaborative kaming tatlo.

“Plus si Rafael Rosell, kasama na rin namin sa show na ito.

“So, malaking drama siya na hindi dapat ma-miss, lalo na ng mga naging loyal fans ng Koreanovela na Temptation of Wife.

“Wish namin na mapantayan namin ang success nito,” saad ni Glaiza.

Big hit sa South Korea noong 2008 ang Temptation of A Wife.

Nagkaroon ito ng iba pang titles tulad ng Wife's Temptation, Cruel Temptation, at Wife's Revenge, nang ipalabas ito sa iba't ibang panig ng mundo.

Pinagbidahan ito nina Jang Seo Hee as Angeline Goo/Chantal Min; Byun Woo-Min as Marcel; Kim Seo-Hyung as Heidi; at Lee Jae Hwang as Nigel.

Nagwagi ang programa ng maraming awards sa SBS Drama Awards 2009, kabilang na ang Grand Prize para kay Jang Seo Hee.

Ipinalabas sa GMA-7 ang Temptation of Wife noong October 2010 at naulit ito by popular demand noong June 2011.