news

Gina Pareño on Zaijian Jaranilla: "Siya ang batang John Lloyd Cruz."

by Rommel Placente posted on September 19, 2012  STATS: 9138 Views | 4 Comments

Giliw na giliw ang beteranang aktres na si Gina Pareño sa kasamahan niya sa Lorenzo's Timena si Zaijian Jaranilla. Papuri pa ni Gina sa child wonder, "An eleven years old na bata, na ganyan ang line of thinking, nakakatuwa.  At saka palagi siyang smiling.  Gusto ko nga siyang iuwi sa bahay. Mahal na mahal ko ang batang ‘yan."

Photo By: Noel Orsal / Allan Sancon

Sobrang natutuwa ang veteran actress na si Gina Pareño dahil nakatrabaho niya ang child star na si Zaijian Jaranilla sa teleseryeng Lorenzo's Time.

Noon pa raw kasi ay dream na niyang makatrabaho si Zaijian sa isang proyekto.

"Sinabi ko kay Sir Deo [Endrinal, ABS-CBN business unit head], ‘Sir Deo, gusto kong makasama sa serye si Zaijian.’

“Tapos nung ibinigay sa akin itong Lorenzo's Time na kaming dalawa ang magkakasama, dream come true para sa akin yun.

"At nakita ko sa taping namin from day one hanggang sa mga oras na ito, nakakatuwa. 

"I cannot imagine na ang eleven-year-old na bata, na lalaki, huh... Minsan kasi ang mga batang lalaki ay makukulit, di ba?

"Pero siya, darating siya sa set na alam ang linya kahit mahahaba, nakakatuwa siya.  

"At laging take one, huh!”

Deklara pa ni Gina, “Siya ang batang John Lloyd Cruz.

"Alam din niya kung kelan siya magiging makulit or haharot pagdating niya doon sa kuwarto namin.

"An eleven years old na bata, na ganyan ang line of thinking, nakakatuwa. 

"At saka palagi siyang smiling. 

"Gusto ko nga siyang iuwi sa bahay. Mahal na mahal ko ang batang ‘yan. 

"Nalulungkot ako na matatapos na yung serye namin kasi hindi pa ako nagsasawa sa kanya, e. 

"Gusto ko pa rin siyang katrabaho."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • prettyyeyn25

    09/19/2012 | 07:24 PM
    napakagaling ni zaijan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ian15yeah

    09/19/2012 | 06:33 PM
    Everybody loves Zaijan! well. . except the haters hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ask_me_to_stay

    09/19/2012 | 06:20 PM
    gusto ko nga agn acting ni james blanco dito..dati kasi banong-bano ang mga acting nya, pero dito nag improve sya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • flightforge29

    09/19/2012 | 06:00 PM
    Ate Bel hayaan mo magkakasama ulit kayo ni Enzo..kudos sa serye nyo..enjoy ako sa kapapanood lalo na rin kay James Blanco na unti unting nasilayan ang galing nya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About