Ang reaksiyon ni Carl Guevara sa pagbabalik-tambalan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica: “Kasi kapag trabaho, trabaho, at saka sinusuportahan ko naman yung trabaho niya, e. At saka ayaw ko makadagdag ng pagseselos, baka makaapekto pa sa trabaho...”

Photo: Noel Orsal

Ayon kay Carl, nagkasakit na marahil si Kris dala ng sobrang pagod.

Kagabi nga ay isinugod ang young actress sa isang ospital sa Talisay, Batangas, habang nagte-taping ng upcoming primetime series na Coffee Prince.

Kapareha ni Kris dito ang original loveteam partner niyang si Aljur Abrenica.

Matagal na ang tambalan nina Kris at Aljur na unang napanood sa defunct youth-oriented show ng GMA-7 na Boys Nxt Door (2007).

Ilan pa sa mga pinagsamahan nilang proyekto ay Luna Mystica (2008), Dapat Ka Bang Mahalin (2009), at The Last Prince (2010).

Ngayong muling magtatambal sima Kris at Aljur, hindi naman daw nagseselos si Carl.

Aniya, “Kasi kapag trabaho, trabaho, at saka sinusuportahan ko naman yung trabaho niya, e.

"At saka ayaw ko makadagdag ng pagseselos, baka makaapekto pa sa trabaho.

“Wala naman akong karapatan, e, hindi pa naman ako boyfriend!” natatawang sabi ni Carl bilang paglilinaw sa tunay na estado nila ni Kris.