Nanganak na ang Kapuso actress na si Katrina Halili kagabi, September 18, sa anak anak nila ng boyfriend na si Kris Lawrence. Katrence ang napili nina Katrina at Kris na ipangalan sa kanilang anak na babae.

Photo: Gorgy Rula

Isa nang ganap na ina ang Kapuso actress na si Katrina Halili matapos niyang isilang ang anak nila ng singer na si Kris Lawrence kagabi, September 18.

Babae ang anak nina Katrina at Kris.

Nanganak si Katrina, via caesarean section, bandang alas-siete ng gabi sa St. Luke's Hospital sa Quezon City.

Ayon sa report na nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), may timbang na 6.6 lbs ang sanggol na pinangalanan nilang Katrence Halili Lawrence Cadevida.

Parehong nasa mabuting kalagayan ngayon sina Katrina at Katrence.

PROUD DAD. Hindi naman maitago ni Kris ang kanyang kasiyahan sa pagdating ng anak nila ni Katrina.

Sabi niya sa kanyang Twitter account: "Katrence is here!!!! She's the most beautiful thing ive ever seen..."

Dagdag pa ng Party Pilipinas mainstay:

“When u look at ur own kid & she looks back at you...everything around you turns into a blur, stops, mutes and its just the 2 of you...wow."

“Im feeling emotions that i never even knew existed...thank you Lord. This is the best thing thats ever happened to me."