Ito ang paliwanag ni Mocha Uson (gitna), lider ng all-female group na Mocha Girls, tungkol sa wala niyang takot na paghuhubad sa pelikula man o pictorial: "Ginawa ko ito kasi gusto ko i-encourage yung iba na magpakatotoo. Kilala naman ako ng pamilya ko na hindi ako kaladkaring babae.”

Photo: Arniel C. Serato

“I’m very happy. So ngayon, hindi siya kumalat. 

“Ang speaking of cancer, ngayong October, may gagawin kaming breast cancer awareness project para paalalahanan yung mga kababaihan na alagaan yung mga breast nila.”

Ibig bang sabihin nito ay hindi na siya masyadong problemado sa pera kumpara nung mga nakaraang buwan na aligaga siya sa paghahanap ng maraming raket para pantustos sa pagpapagamot ng ina niya?

“Opo, mahal. 

"Kaya nga natutuwa ako sa lahat ng mga tumulong na artists, sa media na tumulong sa fundraising namin.”

PANTASYA. Nakakadagdag ba sa morale niya pag pinagpapantasyahan siya ng mga kalalakihan?

“Ay, oo naman. It’s a pleasure. Sobra!” bulalas ni Mocha.

Hindi ba siya natatakot na ma-kidnap o ma-rape?

“Hindi naman, may mga security naman kami. 

“Saka hindi kami exposed sa mga bars. Sa trabaho lang kami. 

“Pagtapos ng trabaho, uwi kami agad.”

Hindi ba siya natatakot na pag-initan ng mga moralista dahil sa mga liberal niyang pananaw?

“Ano bang ginagawa kong mali?” reaksyon ni Mocha saka sinundan ng tawa.

“Ang akin lang, relax lang kayo. Wala naman akong inaapakan, e.