Eula Valdes on her role in the musical Nine: “Ano ba? Wala na si Amor Powers, hindi siya si Amor Powers! Hindi mataray yung role —diva siya pero iba. Lahat ng women na nandito, nagkaraoon ng relationship sa bida.”

Photo: Arniel C. Serato

Balik sa teatro ang magaling na aktres na si Eula Valdes via the musical play Nine.

Ang Nine ay base sa semi-autobiographical film ng Italian director na si Federico Fellini na 8 1/2. Naka-focus ang kuwento sa isang direktor na magdiriwang ng kanyang 40th birthday at humaharap sa midlife crisis, na nagiging sagabal sa kanyang paglikha ng mga ideya.

Isinapelikula na rin ito noong 2009 at tinampukan ng Oscar-winners na sina Daniel Day-Lewis, Nicole Kidman, Marion Cotillard, Penelope Cruz, Judi Dench, Kate Hudson, at Sophia Loren.

Makakasama ni Eula sa Philippine adaptation ng Nine sina Cherie Gil, Sitti, Ima Castro, Menchu Lauchengco, at Jett Pangan.

Magsisimula ang Nine sa September 21 sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza, Makati.

EULA RETURNS TO STAGE. Hindi na bago kay Eula ang gumawa ng musical plays.

A few years back ay gumanap siyang bida sa stage version ng Zsazsa Zaturnnah, na hango sa isang bida sa komiks na ginawa ng comics illustrator na si Carlo Vergara noong 2002.

Dito naman sa Nine, kahit daw in-offer na sa kanya ang role ay mas pinili ni Eula na mag-audition pa rin.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres noong isang linggo, ikuwento nito ang kanyang role sa Tony award-winning musical na ito.

“Na-tap ako to play Claudia Jenssen here, actually I auditioned for the role.

“They offered it to me pero kailangan nila malaman kung abot ko yung nasa range ko yung kanta.

“Because yung sa movie kasi, yung role ni Nicole Kidman na si Claudia, ay mababa yung song niya.

“Pero ito, hindi nila puwedeng i-alter yung sa Broadway na version, so medyo mataas.

“Nung nag-audition ako, nakatalikod ako.