Kasama si Bea Binene sa hinirang bilang Philippine ambassadors ng Plan International para sa “Because I Am A Girl” campaign. Ayon sa Kapuso tween star, “Karamihan po kasi ng inaabuso at hindi nabibigyan ng karapatan in society ay ang mga babae. Gusto naming labanan ang mga pinagdaraanan nilang physical and social abuse, human-trafficking, child labour at early pregnancy. Kami ni Barbie ang magiging role models nila.

Photo: Noel Orsal

Matutuloy na ang balik-tambalan nina Bea Binene at Jake Vargas.

Sila ang bida sa bubuksang morning drama series ng GMA-7 na pinamagatang Angelina del Cielo.

Ito ay pagkatapos maitambal si Bea kay Kristoffer Martin sa ikalawang yugto ng primetime series na Luna Blanca.

Huling nagsama sina Bea at Jake sa GMA telefantasya na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.


Ano ang masasabi ni Bea sa muli nilang pagsasama ni Jake sa isang proyekto?

Aniya, “Siyempre po, very happy ako na muli kaming magkakasama ni Jake—buo na naman po ang JaBea loveteam namin.

“Nasabi na po nila ang project sa amin kaya excited na kaming dalawa na magsimulang mag-taping.

“Magkakaroon pa muna kami ng story conference para malaman namin kung sino ang makakasama namin sa show.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa press launch ng Plan International last September 6 sa Sulo Hotel.

Sa panayam, sinabi ni Bea na hindi naman totally nawala ang JaBea tandem.

Nagkakasama pa rin naman daw sila tuwing Sunday sa Party Pilipinas.

Saad ni Bea, “Noong Luna Blanca lang naman kami nagkahiwalay ni Jake.

“Paminsan-minsan naman ay magkasama pa rin kami sa mga regional shows ng GMA-7.

“Kelan lang nga ay nagkasama kami sa Maynila.

“Minsan din ay nagge-guest ako sa Walang Tulugan with the Master Showman noong mag-promote ako ng album ko.”

Nasa bagong season ng Pepito Manaloto si Jake, at balitang hindi na kasama sa show ang partner niya rito na si Lexi Fernandez.