Kasama si Bea Binene sa hinirang bilang Philippine ambassadors ng Plan International para sa “Because I Am A Girl” campaign. Ayon sa Kapuso tween star, “Karamihan po kasi ng inaabuso at hindi nabibigyan ng karapatan in society ay ang mga babae. Gusto naming labanan ang mga pinagdaraanan nilang physical and social abuse, human-trafficking, child labour at early pregnancy. Kami ni Barbie ang magiging role models nila.

Photo: Noel Orsal

Magge-guest ba si Bea na kasama si Jake sa Pepito Manaloto?

Sabi ni Bea, “Hindi ko po alam. Pero kung gusto nila akong mag-guest, wala pong problema sa akin.”



MUSIC ALBUM. Bukod sa TV shows, nakagawa na rin si Bea ng isang music album.

Maganda ang reported sales ng Hey, It’s Me, Bea under PolyEast Records.

Ang carrier single niya ay ang revival ng 1987 hit single ni Regine Velasquez na “Urong-Sulong.”

Ibinalita rin ni Bea na ire-repackage ang album niya dahil isasama roon ang music video niyang “Urong-Sulong.”

Ayon kay Bea, “Happy po kaming lahat sa outcome ng album.

"Heto nga po at isasama na ang music video ko ng “Urong-Sulong” sa pag-repackage ng album.

“Tuloy din po ang mga mall shows ko for the promotion of the album.

“And ako rin po ang celebrity guest VJ [video jockey] ng MYX para sa month of September.

“Super nagpapasalamat ako sa mga sumuporta po sa album ko—isa ito sa mga wishes ko na nagtupad na,” ngiti pa niya.



PLAN PHILIPPINES AMBASSADORS. Napag-usapan din ang pagkuha kina Bea at Barbie Forteza bilang Philippine ambassadors ng Plan International para sa “Because I Am A Girl” campaign.

Ang global ambassador ng Plan International ay ang Bollywood actress na si Freida Pinto na nakilala sa pelikulang Slumdog Millionaire.

Sa Pilipinas, kabilang sina Bea at Berbie sa tutulong sa paglaban sa gender inequality, pag-promote ng karapatan ng mga batang babae, at layuning iahon ang milyun-milyong mga batang babae mula sa kahirapan.

Sabi ni Bea, “Maganda po ang campaign ng Plan International, lalo na para sa mga kaedad naming mga babae.

“Karamihan po kasi ng inaabuso at hindi nabibigyan ng karapatan in society ay ang mga babae.

“Gusto naming labanan ang mga pinagdaraanan nilang physical and social abuse, human trafficking, child labor, at early pregnancy.