Kasama si Bea Binene sa hinirang bilang Philippine ambassadors ng Plan International para sa “Because I Am A Girl” campaign. Ayon sa Kapuso tween star, “Karamihan po kasi ng inaabuso at hindi nabibigyan ng karapatan in society ay ang mga babae. Gusto naming labanan ang mga pinagdaraanan nilang physical and social abuse, human-trafficking, child labour at early pregnancy. Kami ni Barbie ang magiging role models nila.

Photo: Noel Orsal

“Kami ni Barbie ang magiging role models nila.

“Gusto naming maging maingat at maging maganda ang buhay ng kababaihan ngayon, hindi lang sa bansa natin kundi sa buong mundo.”



BEA’S FOUNDATION. Hindi na bago para kay Bea ang tumulong sa maraming tao, lalo na ang kabataan, dahil meron siyang Bea Cares Foundation.

Every year, sa pamamagitan ng kanyang foundation, tumutulong daw sila sa mga batang may cancer.

“Every year kapag birthday ko, imbes na magkaroon ako ng malaking party, I spend it na lang with these kids.

“Mas kailangan kasi nila ang tulong nating lahat. Kailangan nila ng panggastos sa gamot, pagkain, at sa iba pang importanteng bagay.

“Hindi lang tuwing birthday ko, but even tuwing Pasko at kapag may nangyayaring mga sakuna.

“Tumutulong ako sa mga relief operations especially sa Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation.

“That’s why kami ni Barbie, we are proud to be part of Plan International’s 'Because I Am A Girl' campaign bilang mga ambassadors nila.

“Our participation in the campaign is a testament to our continuous commitment to champion the issues that affect children and youth like us,” saad ni Bea.