Magkasunod na rumampa ang Kapuso hunk na si Rocco Nacino sa dalawang malalaking events. Una noong September 13 at 14 sa Bench Universe (kaliwa) denim and underwear fashion show, at pangalawa noong September 18 sa Cosmo Bachelor Bash 2012 (kanan).

Photo: Noel Orsal

Pangatlong beses na ni Rocco Nacino ang pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash 2012 noong Martes, September 18, sa World Trade Center.

Kapansin-pansin na bawat taon ay kinakikitaan ng kumpiyansa si Rocco sa pagrampa, kung paano niya tuksuhin o kilitiin ang imahinasyon ng mga manonood lalo na ang mga kababaihan.  

Bukod dito, kapansin-pansin din ang lalong gumaganda niyang pangangatawan.

Ayon kay Rocco, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos nilang rumampa, “Masaya lang ako na marami ang nag-enjoy. Marami ang sumigaw noong ginawa ko yung mga ginawa ko. 

"It was all worth it—exercising, working out. 

“Giving the people the time, yun ang mas importante.”

THIS IS NOT THE END. Bukod sa Cosmo Bachelor Bash, isa rin si Rocco sa mga rumampa sa Bench Universe denim and underwear fashion noong nakaraang linggo.

Ayon sa Kapuso hunk, hindi rito nagtatapos ang pagpapaganda ng katawan niya.

"After this, itutuloy ko ang diet ko

“I want to make a good foundation of my body. Hindi pa ako kuntento. 

“After Cosmo, after one week, I’m going back to the gym para gumawa ng magandang pondo sa katawan," saad niya.

Ano pa ba ang gusto niyang makita sa kanyang katawan?

Sabi ni Rocco, “Gusto kong pagandahin ang abs ko.

"I want to be fit. I want to look good.