Magkasunod na rumampa ang Kapuso hunk na si Rocco Nacino sa dalawang malalaking events. Una noong September 13 at 14 sa Bench Universe (kaliwa) denim and underwear fashion show, at pangalawa noong September 18 sa Cosmo Bachelor Bash 2012 (kanan).

Photo: Noel Orsal

“Pero nag-text siya, sabi niya, ‘Enjoy. It’s your night.’”

IN AND OUT. Samantala, hindi na makakasama si Rocco sa unang napabalitang primetime series na gagawin niya dapat sa GMA-7, ang Indio na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla. 

Sa halip, magiging bida si Rocco sa afternoon soap na Yesterday’s Bride kunsaan makakatambal niyang muli si Lovi Poe.

Saad ng Kapuso hunk, “Na-pull out po ako sa Indio dahil ako po ang gaganap na leading man ni Lovi sa Yesterday’s Bride.

“Excited siyempre, at the same time, nalungkot na maaalis ako sa Indio. Pero happy, I have a show. 

“Hindi ako pinull-out dahil ayaw sa akin. Pinull-out ako dahil ipe-pair ako sa bagong show.”

Okay naman daw kay Rocco ang bagong teleserye na panghapon dahil leading man naman ang role niya.

“Siyempre po okay dahil I’m the leading man.

“But at the same time, sayang din po na makatrabaho si Senator Bong Revilla and it’s a very long soap. Sabi ko nga, makakaipon talaga ako do’n. 

“Pero career-wise, okay ang Yesterday’s Bride.

“To work with Lovi Poe, siyempre award-winning siya. 

“Ngayon, kinakabahan naman ako na makakatrabaho siyang muli.

“Yung makatrabaho mo ang award-winning actress, na hindi lang isa kung hindi ang daming award, it’s really an honor to work with her again.”

Hindi na bago ang pagtatambal nila ni Lovi dahil nagkasama na sila noon sa isang proyekto.