Dalawang pelikula ang pinagkakaabalahan ngayon ng Kapuso hunk na si JC Tiuseco: ang romantic-comedy na Ride To Love at ang horror-suspense na Shake Rattle & Roll 14. Pero kung mabibigyan ng panibagong TV show, gusto raw ni JC na may kinalaman ito sa extreme sports.

Photo: Noel Orsal

Habang wala pang bagong TV show ang Kapuso hunk na si JC Tiuseco, dalawang pelikula muna ang kanyang tinatapos ngayon.

Parehong sa Regal Entertainment ang pelikulang ginagawa ni JC: ang romantic-drama na Ride To Love at ang horror-suspense film na Shake Rattle & Roll 14, na official entry sa Metro Manila Film Festival 2012.

Masaya si JC sa mga role na ibinigay sa kanya sa dalawang pelikula.

First time din kasi niyang makatrabaho ang mga direktor nitong sina Adolf Alix Jr. (Ride To Love) at Chito Roño (SRR 14).

RIDE TO LOVE. Sabi ni JC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Isang movie pa lang talaga kasi ang nagawa ko. Iyon yung Mamarazzi noong 2010 pa.

“Kaya excited ako na makatrabaho ang mga directors ko ngayon.

“Like si Direk Adolf, nakatrabaho na siya nina Daniel [Matsunaga], Fabio [Ide], at Akihiro [Sato] before.

“Okey si Direk, kasi light romance-drama na may konting comedy itong ginagawa naming Ride To Love.


“Para siya yung Hollywood movie na Valentine’s Day at New Year’s Eve. Marami kaming nasa cast dito at iba-iba ang mga kuwento namin.”

Kasama ni JC sa Ride To Love sina Eddie Garcia, Boots Anson-Roa, Iza Calzado, Tom Rodriguez, Rufa Mae Quinto, Fabio Ide, Ervic Vijandre, Angel Aquino, Jillian Ward, Benjamin Alves, Megan Young, Eula Caballero, at Ivan Dorschner.

LOVE SCENE WITH MEGAN. Kapareha ni JC sa pelikula ang Kapamilya actress na si Megan Young at gumaganap sila rito bilang young live-in couple.

May love scene daw sila ni Megan dito na first time nilang gagawin sa pelikula.

Kuwento ni JC, “Pareho kaming first time sa ganung scene.

"Noong sabihin sa amin ni Direk Adolf na may love scene, nagtinginan lang kami ni Megan at nagtawanan kami.