Hindi na nagpa-DNA test ang huli at tinanggap nang ina ni Angeline Quinto na si Aling Susan. Ang dahilan niya: “Halos lahat ng kamag-anak ko kilala si Susan, so ibig sabihin noon, yun na talaga. Kaya hindi na rin ako pumayag na magpa-DNA. Dati nga nagtitinda ang nanay at tatay ko ng barbecue.”

Photo: Noel Orsal

Sa programang The Buzz noong Linggo, September 16, ay nagtagpo si Angeline Quinto at ang lumantad na tunay niyang ina na si Aling Susan.

Matatandaang matagal nang hinahanap ng Star Power grand champion ang kanyang tunay na ina.

Pero panandaliang naging problema ni Angeline kung paano ipagtatapat sa kanyang amang si Pop Quiros at ina-inahang Sylvia “Mama Bab” ang pagtatagpo nila ng kanyang tunay na ina.



REVELATION TIME. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angeline last Sunday, sa ASAP 2012, masaya niyang ibinalita ang mga kaganapan.

Naipagtapat na raw niya sa kanyang Mama Bab at sa kanyang ama na nagkita na sila ng kanyang tunay na ina.

“Sa totoo lang, kinaswal ko lang, e, kasi baka mag-isip nang mag-isip.

“E, di ba? Ikaw… pag sinabihan kita ng seryoso, mag-iisip ka, e. Kaya kinaswal ko lang.

“Unang bungad ko sa nanay ko, ‘O, Ma, nakita ko na pala si Susan, hindi ko naman pala kamukha, e.'

“Di siya naniwala tapos ipinakita ko sa kanya cell phone ko.

“Gusto ni Mama Bab na magkita sila pero yung tatay ko, hindi pa handa.

“Minsan nagagalit siya sa akin... hindi naman super galit, pero parang naiinis siya.

"Feeling ko, nababalik-balikan niya yung past nila.

“Sinasabi nila pag apektado ka pa, mahal mo pa.

"Hayaan ko nang magalit ang tatay ko.”

NO MORE DNA TEST. Hindi na dumaan sa DNA test si Aling Susan, hindi gaya ng mga naunang nagpakilalang ina ni Angeline.