Nilinaw ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na wala siyang balak na tumakbo bilang kongresista o senador sa susunod na eleksyon. Aniya, “I still want to run as Batangas governor so I can make sure that my programs will be pursued until my third and last term.”

Photo: File

Pinarangalan si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ng Presidential Lingkod Bayan award.

Isa ang actress-politician sa mga napiling indibidwal ng Civil Service Commission (CSC) na tumanggap ng nasabing parangal ngayong taon.

Ang parangal ay iginawad kay Governor Vi mismo ni President Benigno “Noynoy” Aquino III sa Rizal Hall ng Malacañang Palace, kahapon, Setyembre 20.

Sabi ni Governor Vi sa kanyang speech matapos tanggapin ang parangal, “Hindi ko po ito kayang mag-isa.

“Lahat ng Batangueno, atin po ang karangalang ito, at maraming-maraming salamat po sa suporta.”

Ayon naman sa artikulo ni Bayani San Diego na lumabas sa isang daily broadsheet, sinabi ni ate Vi na “teamwork” ang sikreto ng mga taga-Batangas para sa matagumpay na implementasyon ng kanyang mga proyekto.

Kasama ni Governor Vi na tumanggap ng parangal ang kanyang asawa na si Senator Ralph Recto at mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto.

Sabi pa ng Star For All Seasons, nagsilbing inspirasyon niya ang kanyang pamilya, na sumuporta sa kanya gaano man kahirap ang mga gawain bilang gobernadora.

Ginawaran din ng Presidential Lingkod Bayan posthumous award ang yumaong Department of Interior and Local Government Secretary na si Jessie Robredo.



PUBLIC SERVICE. Tuwang-tuwa si Governor Vi sa natanggap na parangal dahil ito raw ang kanyang “first national recognition” bilang pulitiko.

Kinilala raw ng parangal na ito ang kanyang “public service” para sa lalawigan ng Batangas.

Dagdag pa niya, iba ito sa mga parangal na natanggap niya noon, dahil ito ang kauna-unahang “national” recognition na natanggap niya bilang isang pulitiko.

Sa palagay ni Governor Vi, ang proyekto niya sa kalusugan ang napansin kaya siya binigyan ng parangal.

Ang mga proyektong ito raw ang nakatulong upang mapaganda ang mga kagamitan, pasilidad, at kakayahan ng mga manggagawa sa kanilang mga provincial hospitals.



RUNNING FOR RE-ELECTION. Bukod sa medalya at plake, gagantimpalaan din ng 200,000 pesos cash prize at promotion ang mga nakatanggap ng Presidential Lingkod Bayan award.

Ang pinakamataas na posisyon sa Batangas ay ang pagiging gobernador, na siyang hinahawakan ngayon ni Ate Vi.

Kaya ayon sa actress turned politician, tinanong ng CSC kung may balak siyang tumakbo para sa mas mataas na puwesto sa gobyerno.