Bida na ang Kapuso actress na si Bela Padilla sa upcoming afternoon soap na Magdalena. Kuwento niya tungkol dito, "In 2007, someone interviewed me from a different network when I was still in a different network. Tinanong sa akin, ‘Kung magkakaroon ka ng dream project, ano yun?’ Sabi ko, 'Parang maganda yung title na Magdalena.' And it’s so weird na, now, five years after, I got a show called Magdalena!"

Photo: Noel Orsal

Bida na si Bela Padilla sa upcoming afternoon series ng GMA-7 na Magdalena.

“It’s my first-ever title role sa GMA, so medyo ano… ngayon lang siya talaga nagsi-sink in sa akin nang bonggang-bongga!

“Na parang I’m still shocked na they gave me something like this, this soon.

“I told them, e, na I wanted  this show, parang matagal ko nang…

“Parang feeling ko, lahat naman ng artista naghihintay talaga ng moment nila.

“And I was excited when they told me that they’re gonna give me Magdalena.

“Kasi naririnig ko pa lang na gagawin siya before, medyo na-excite na ako.

“Parang sabi ko, sana may audition yun, gusto kong mag–audition,” lahad ni Bela sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dahil alam na niya ang istorya ng Magdalena?

“Hindi. Very intriguing lang yung title,” sagot niya.

“At ang nakakatawa, in 2007, someone interviewed me from a different network when I was still in a different network.

“Tinanong sa akin, ‘Kung magkakaroon ka ng dream project, ano yun?’

“Sabi ko, 'Parang maganda yung title na Magdalena.'

“And it’s so weird na, now, five years after, I got a show called Magdalena!

“So parang it’s meant for me… alam mo yung hindi ko siya in-imagine na it’s possible.