Isa si Roderick Paulate sa mga artistang sumabak sa pulitika.
Sa pagiging konsehal niya ng Quezon City, isang matinding isyu ang napukol sa aktor. Sinampahan siya ng kasong administratibo dahil daw sa pagkakaroon ng ghost employees.
Sa katatapos lang na Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy, na ginanap noong September 19 sa SM MOA Arena, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Roderick ang kanyang kaso.
Sabi niya, “Na-stop na, di ba? So I’m working, tuluy-tuloy pa rin. Hindi pa siya tapos.
“Proseso yun, but for me, it’s not a battle. Pinababayaan ko na lang sila.
“Hindi naman ako naapektuhan, mataas pa rin ang ratings ko.
"Ang mga magdududa diyan ay yung mga hindi taga-Quezon City.
“Pero kung taga-Quezon City, alam nila ang nangyayari.
“Bukas ang mata ng mga kababayan ko, ng mga constituents ko doon."
Sinang-ayunan ni Dick ang opinyon ng iba na mas marumi ang mundo ng pulitika kaysa sa showbiz.
“Grabe, ibang klase!" bulalas niya.
"Sa showbiz naman, okay-okay lang tayo, di ba?
“Puwede nating gawin sa make-up, sa mga pelikula natin, pero hindi naman tayo gagawa ng masama, na sisirain natin ang isang tao, hindi natin gagawin yun.
“Dito, makikita mo talaga ang diperensiya. Iba talaga pala pag power and money ang labanan.
“But for me, hindi ako ganun pinalaki at hindi rin ganun ang gusto kong mangyari.”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 napazu7
5 dustmyeat
4 Orangina_123
3 grinandgiggles
2 Orangina_123
1 skittlesrainbow