Nabalita noon na kaya raw inayawan ng ina ni Sarah Geronimo si Gerald Anderson ay dahil natuklasan umano ni Mommy Divine na may non-showbiz girlfriend ang young actor.
May nasulat pa ngang anak daw ng isang mayamang alahera sa Cebu ang sinasabing kasintahan ni Gerald.
Kaagad naman itong pinabulaanan ni Gerald nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ASAP 2012 noong Linggo, September 16.
Aniya, “Ayoko nang sagutin ‘yan kasi hahaba pa ‘yan, pero wala akong girlfriend ngayon.
“Hindi naman isa ‘yan sa priority ko. Kung mangyayari, mangyayari.
"Hindi naman ako lalabas para maghanap pa, darating ‘yan nang kusa.”
Consistent din si Gerald sa pagsabing nahinto man siya sa panliligaw kay Sarah ay gusto pa rin niyang maging kaibigan ang Pop Princess.
Wala rin daw siyang pinagsisihan sa kung anuman ang nangyari sa pagitan nila.
“Oo naman, dati ko pang sinasabi sa inyo ‘yan—walang regrets, walang pagsisisi.
“Dapat laging positive ang outlook natin sa buhay.
“Maraming challenges and pagsubok sa buhay, maraming problema na mangyayari sa atin, pero kailangan nating magdasal kay Papa God and, yun, positive outlook.
“Mas maraming may problema ngayon kaysa sa atin.”
Kumpirmadong hindi na rin matutuloy ang pangatlong pelikula na pagtatambalan sana nina Gerald at Sarah.
Ang gagawin ni Sarah ay ang third installment ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz.
Ayon kay Gerald, fan siya ng tambalan ng dalawa at papanoorin niya ang pangatlong pelikula ng mga ito.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
12 fecatada
11 rockabye
10 orangecountykid
9 BrunoEsmeralda
8 TigerPack
7 mariel225
6 juju09
5 mariel225
4 southerngirl1
3 chubie_buknoy
2 pearl102
1 ian15yeah