Ito ang pahayag ng aktor na si Paolo Contis sa desisyon niyang makipaghiwalay sa asawang si Lian Paz: “Hindi ito biglaang desisyon. Lahat naman ng desisyon, pinag-isipan nang mabuti. Merong mga pinanggalingan kung bakit naging desisyon siya. I’d rather not go into details kasi it’s a private matter. I’d rather not make it public. Baka marami lang masaktan. Baka mas maraming tamaan. Sa amin na lang yun. Ang importante lang naman, ang may alam, kami.”

Photo: Noel Orsal

Maingat si Paolo Contis nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng hiwalayan nila ng asawang si Lian Paz.

Dumating ang aktor noong Miyerkules ng umaga, September 19, galing Amerika, kung saan nag-show sa Universal Studios ang Manny Many Prizes. Kaagad siyang bumalik sa Pilipinas para sa taping ng primetime series na Aso Ni San Roque.

Sinadya ng PEP si Paolo sa taping ng bagong fantaseryeng ito ng GMA-7. Napansin namin na tahimik lamang ang aktor at halatang may dinadalang problema.

Ayon kay Paolo, alam niyang magsasalita si Lian tungkol sa kanilang paghihiwalay.

“Hindi naman ako nagulat kasi we talked about it naman,” simula niyang pahayag.

“Actually, hindi naman talaga presscon para dun. Nagkataon lang na thanksgiving dapat yun, na nagkataon lang na dun sa week nangyari yung changes sa amin.

“I gave her naman the go-signal to talk about it.”

Kinumpirma ni Lian ang paghihiwalay nila ni Paolo sa pocket presscon niya noong September 12. (CLICK HERE to read related story.)

Sinabi rin ni Lian na si Paolo ang nagdesisyong maghiwalay sila, pero hindi sinabi ng dating miyembro ng EB Babes ang dahilan.

NOT AN EASY DECISION. Sa panayam ng PEP kay Paolo, sinabi niyang hindi naging madali ang desisyon nilang iyon at matagal daw niya itong pinag-isipan.

Pero hindi rin daw niya puwedeng sabihin kung ano talaga ang dahilan ng desisyon niyang makipaghiwalay.

Sabi ni Paolo, “Hindi ito biglaang desisyon. Lahat naman ng desisyon, pinag-isipan nang mabuti.

“Merong mga pinanggalingan kung bakit naging desisyon siya.

“I’d rather not go into details kasi it’s a private matter. I’d rather not make it public.