Sa pagbabalik-showbiz ni Hayden Kho, handa na raw siyang harapin ang mga kontrobersiyang kinasangkutan niya noon. Biro pa niya, “Parang feeling ko, nasa dugo ko yata yung controversy. Kahit anong gawin ko, kakalat!”

Photo: Gorgy Rula

Pumirma noong Huwebes, September 20, si Hayden Kho ng kontrata sa Growl Inc., bilang bagong talent ng bagong-tatag ding talent agency nina Roselle Monteverde-Teo, Leo Dominguez, at Girlie Rodis.

Co-managed si Hayden ng Stages ni Carlo Orosa, na present din sa contract signing, kasama si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment.

Posibleng kontrata sa Regal ang susunod na pirmahan ni Hayden, ayon kay Roselle, na inayunan naman ni Mother Lily.



INTENSIVE ACTING WORKSHOP. Ngayon lang daw nakumbinsi si Hayden na mag-concentrate na sa pag-aartista pagkatapos niyang dumaan sa isang intensive acting workshop.

Kuwento ng dating cosmetic surgeon, “There’s this Julia Graduate in Acting ni Annabelle Lim, and then she took me as student, one-on-one, for several weeks siguro.

“Nung time na yun, ang buong process, tinitingnan ko kung saan ako babagay, kung anong roles ako magpi-fit.

“Yung mga weakness ko and yung mga strength, and then work on the strength and, of course, yung mga weakness din.”


FACING CONTROVERSIES. Dahil nasa showbiz na siya, nakahanda na rin daw si Hayden na harapin ang mga kontrobersiyang pinagdaanan niya.

Pero nilinaw nitong puwede naman niyang ihiwalay ang pagiging aktor sa mga personal na isyu.

“Parang feeling ko, nasa dugo ko yata yung controversy. Kahit anong gawin ko, kakalat!” natatawa niyang sabi.

“Ang napapansin ko ngayon… kasi especially in showbiz here in the Philippines, nagiging kasama na yung personal life saka yung trabaho nung tao bilang artista.

“Sa akin, dalawang bagay.

“Number one, no attachment to the job.

“Gagawin ko ito as an actor, pero ayokong ma-attach na ako dito—na parang ito na yung buhay ko, na dito na muna magre-revolve around.

“Sa akin, kung tinanggal sa akin, o hindi ako binigyan ng trabaho, or hindi na ako nag-aartista dahil walang roles, walang trabaho, okay lang—that’s number one.

“Number two is really, separate your personal life.