"You don’t have to be in someone or be in a relationship to wish others well... At dapat, kahit mag-isa ka, you wish others well and you shouldn’t wish ill to others or sana hindi sila masaya. Sana ganito-ganyan. Hindi puwede. Kasi, who are you to say na hindi dapat maging masaya ang isang tao? You don’t hold anyone’s happiness. You hold your own happiness. So I’m happy for them. I have nothing but respect for other people," pahayag ni Maxene Magalona tungkol sa napapabalitang relasyon ng ex-boyfriend niyang si Neil Arce sa Kapuso actress na si Bela Padilla.

Photo: Noel Orsal

Nag-last taping day na ang panghapong serye ng GMA-7 na Faithfully kahapon, September 21.

Halos lahat sa cast ay sinasabing naging malapit sila sa isa’t isa habang ginagawa ang teleserye, kaya naman siguradong mami-miss raw nila ang kanilang mga kasamahan.

Hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyoni Maxene Magalona sa sinabi ng co-star niyang si Mike Tan na siya raw ang pinaka mami-miss ng young actor.

Sabi ni Maxene, “Awww… si Mike rin po ang pinakamami-miss ko bilang siya ang pinakamalapit sa puso ko. 

“Pero hindi… all of them. Actually, all of them po talaga.

“Iba-iba ang level of closeness ko of each and every member of this cast.

"Kasi ang ginawa ko talaga, when the show started, I bonded with everyone separately.

“Kumbaga, grabe ang bonding ko rito. 

“Pero alam ninyo, ang maganda rito, because of the chemistry and bond, ang ganda ng registry namin on screen. Ang ganda naming tingnan. 

“At kapag nagkatinginan kami sa mata, iyakan na. May koneksiyon na, hindi siya empty na lang. 

“Parang tulungan talaga kami.”

Malungkot siya na nag-last taping day na sila?

“Malungkot talaga,” sambit ni Maxene.

“Iba yung bonding namin noong nag-mall show kami sa Tacloban. Na talagang nag-party-party kami, masaya. 

“Kapag nasa set, kapag may mga secret o problema, tulungan kami.”