news

Wendell Ramos feels no disappointment over having no TV projects: “Wala akong TV shows, pero tatlong movies na sabay-sabay.”

by Rose Garcia posted on September 23, 2012  STATS: 16686 Views | 8 Comments

Kahit na walang ginagawa ngayon sa TV5 kunsaan siya nakakontrata, hindi naman nababahala si Wendell Ramos dahil sa pagiging abala niya raw ngayon sa tatlong pelikulang ginagawa. “Sa ngayon, nagkataon din na tatlong movie ang ginagawa ko ngayon at nagkasunud-sunod,” sabi ni Wendell. “So, para sa akin, medyo naging magaan pa rin.”

Photo By: Noel B. Orsal

Marami ang naka-miss kay Wendell Ramos sa nakaraang Bench Universe: The 2012 Denim and Underwear Show na ginanap sa SM MOA Arena nung September 13 and 14. 

Nasanay na kasi ang mga tao na isa si Wendell sa tinitilian at inaabangan sa nasabing fashion show.

Pero bakit nga ba wala si Wendell ngayong taon?

Nakausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wendell sa opisina ng PPL  Entertainment, ilang araw bago naganap ang Bench show at nasabi na nga nito na hindi siya mapapanood na rarampa.

Kahit na nakapaghanda na siya para sa show na ito, nagdesisyon siya at ang management niya na pagkatapos ng dalawang taon na lang uli siya rarampa.

Ayon kay Wendell, “Next time na lang ako rarampa, after two years.  Siguro, para maisip nila na kahit 36 na ‘ko no’n, para maisip nila na at least, sa mga ganoong age, puwede pa rin mag-underwear [sa rampa].”

Malaking bagay raw kay Wendell ang fashion show ng nabanggit na clothing and lifestyle brand dahil dito raw siya unang na-discover ng namayapang manager niya dati na si Douglas Quijano.

“Sa Cebu noon, doon ako na-discover. Rumampa lang ako noon, nag-underwear. ‘Tapos,‘ayun, naisip na nina Ben Chan.

“Kasi nga, naging maganda ang feedback ng mga tao. Model pa lang ako noon,” pagbabalik-alaala ni Wendell at pagbanggit pa sa pangalan ng may-ari ng Bench.


CHALLENGING ROLE. Samantala, gagampanan naman ni Wendell sa indie film na Menor de Edad, ang role ng isang matulunging professor na napagbintangang nang-rape ng isa niyang babaeng estudyante.

Lead star sa nabanggit na indie film ang baguhang si Meg Imperial. Si Wendell ang bidang lalaki.

Challenging daw ang role na ito para kay Wendell.

“Sobra,” saad niya.

Direktor ni Wendell sa pelikulang ito si Joel Lamangan, ang direktor niya rin sa isa pang pelikulang itinuturing niyang challenging sa kanya, ang 2004 Judy Ann Santos-starrer na Sabel.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • mamamomchang

    09/24/2012 | 04:34 PM
    Ewan ko ba naman sa mga artista hindi na nadala. Huwag masyadong umasa sa TV5. Masisira ang record ni MVP pagdating sa TV5. Hindi niya kayang tapatan ang lakas ng ABS CBN at GMA. Ang tanging pag asa na lang niya ay bilin ang GMA. Lahat ng lumipat sa TV5 mas lalong nangalaos.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • susanboyle

    09/24/2012 | 01:27 PM
    sus naman okay lang daw kase mypelikula naman? i dont think so. my mag nanakaw ba umaamin na mag nanakaw siya? Same with wendell, nahiya lang siyang umamin na masama ang loob niya. transfer ka nalang ng tv station. tingnan mo si LT, na realized walang career sa tv5, bumalik sa gma. si gabby bumalik sa abs, and richard gomez. I heaed kasama ka sa please be careful with my heart? goodluck ha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • thommie0626

    09/23/2012 | 07:16 PM
    just a pretty face. hamon umarte to eh. lakas ng loob lumipat. palubog na ang karera nito. kasama ng mga sumusunod: jc de vera, nadine samonte, iwa moto, ranier castillo. kawawa naman. wag natin ideny ang totoo.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    winged_angel
    09/24/2012 | 09:42 AM
    Kasama na daw sya sa isang soap ng abs, I dont know kung totoo. Ipapasok daw sa Be Careful With My Heart. Swerte niya kung nagkataon.
    coolitz4coolitz
    09/24/2012 | 01:22 PM
    May Best Supporting Actor Award na po siya...
    susanboyle
    09/24/2012 | 01:46 PM
    wendell is a very good actor....
  • shidax

    09/23/2012 | 06:23 PM
    napakagwapo pa rin ni wendell parang si gabby concepcion bata pa rin ang mukha.....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jacko143

    09/23/2012 | 01:44 PM
    bitter na sagot, tatlo tatlo movie na ginagawa mo puro low budget naman magkano lang bayad sa iyo, kung sabagay baka guaranteed ang contract mo sa kapatid, lipat ka kasi ng lipat
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    pwearl143
    09/23/2012 | 02:28 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    pwearl143
    09/23/2012 | 02:28 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • daiguro01

    09/23/2012 | 01:27 PM
    di ka nag iisa, wala rin work si John Lapus, Iwa moto, Ian Baterson, at marami pang iba
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pwearl143
    09/23/2012 | 02:29 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • maxxine

    09/23/2012 | 11:15 AM
    all time crush.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • AngelSIKATlocsin

    09/23/2012 | 10:35 AM
    Good.luck.Cutie..
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    pwearl143
    09/23/2012 | 02:29 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    EaTBuLagaRuLez
    09/23/2012 | 03:07 PM
    ay magseselos na si ben chan yan kaya di ka kinuha sa bench kasi si manay mvp na ang priority mo ayan cry cry si mama ben chan
    glen
    09/24/2012 | 09:56 AM
    Bakit ba e mas madaming anda ang lola mvp mo no.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About