“Tapos na ito, seven months na ito. We’re both happy, she’s happy. Bakit ang dami pa ring lumalabas? Ang pangit, di ba?” komento ni Derek Ramsay tungkol sa mga isyung patuloy na lumalabas tungkol sa hiwalayan nila ng dating girlfriend na si Angelica Panganiban.

Photo: Arniel Serato

“I knew naman when they said na siya ang makakatrabaho ko, makakayanan niya kasi ang hirap, e.”

Kumusta naman sila ngayon ni Anne?

“Well she’s Anne Curtis, the hottest leading lady out there and I’m very comfortable working with her,” sagot ni Derek.

“After No Other Woman, nag-level up ang friendship namin.

“So, here, wala lang. We have an intimate scene, ok lang.”


BACK TO ULTIMATE FRISBEE. Alam ng lahat ang pagmamahal ni Derek sa sports, partikular na sa ultimate frisbee.

Masayang ikinuwento niya sa PEP na nag-champion ang team niya sa nakaraang laban nila sa Singapore, kung saan 25 teams mula sa iba’t ibang bansa ang nakalaban nila.

“We won, nag-champion kami. I’m very happy for team Pilipinas.”

Ang team niya, ang SMART TV5 Pilipinas, ang nag-uwi ng gold medal sa Singapore Open na ginanap nung nakaraang weekend.

Itinuturong ang pagsalo ni Derek ng frisbee disk bilang receiver ng kanyang team at pagkuha ng foul mula sa kalaban ang siyang nagpanalo sa kanila sa score na 11-10.

“We started out slow. Talo kami sa first game. So, sabi ko, ‘’Eto na naman, bakit ko ba ito ginagawa sa sarili ko?’”

Hindi na raw niya napigilan ang sarili at pumasok na siya sa game para maglaro.

Matatandaang nagsabi na si Derek na retirado na siya sa larong ultimate frisbee. (CLICK HERE to read related story.)

Pero sa dapat sana’y pagko-coach lamang niya sa Philippine ultimate frisbee team, naglaro na nang tuluyan si Derek.