Kuwento ni KC Concepcion tungkol sa kanyang manliligaw na si Pierre Emmanuel Plassart: “I didn’t know who his family was, he didn’t know kung anong ginagawa ko, kung saan ako galing, anong bansa ba ako galing. So, maganda yung umpisa. So, wherever that takes us, ang sa akin maganda kung saan kami nag-umpisa.”

Photo: Noel B. Orsal

Marami ang nasurpresa sa pahayag ni Megastar Sharon Cuneta tungkol sa bagong manliligaw ng kanyang anak na si KC Concepcion.

Ani Mega, boto siya rito para sa anak. (CLICK HERE to read related story.)

Sa interview naman sa dalaga ng Ang Latest ng TV5 na ipinalabas noong Miyerkules, September 19, masayang ikinuwento ni KC ang tungkol sa French suitor na si Pierre Emmanuel Plassart.

Aniya, “Kay Mama siya unang nagpakilala, actually. So, mommy ko na lang ang nagpakilala sa aming dalawa.”

Dugtong pa ni KC, maganda raw ang naging umpisa ng kanilang pagkakaibigan ni Pierre.

“Meron naman siyang pinapakitang parang maganda na parang he’s serious with what he wants out of this.

“Nakilala ko siya na wala pa siyang kaalam-alam, wala pa kaming kaalam-alam tungkol sa isa’t isa.

 

“I didn’t know who his family was, he didn’t know kung anong ginagawa ko, kung saan ako galing, anong bansa ba ako galing. So, maganda yung umpisa.

“So, wherever that takes us, ang sa akin, maganda kung saan kami nag-umpisa.”

Ok naman daw kay KC ang set-up ng isang long-distance love affair kung sakali.

Paliwanag niya, “I guess it’s hard, you know.

“But at the same time, if you really want it to work, then it will happen.”