[x]

Inamin ni Anne Curtis na mayroong “conscious effort” na gawing kakaiba ang upcoming film niyang A Secret Affair, mula sa pelikula niya noong nakaraang taon na No Other Woman. Ganun man, mas “relatable” daw para sa mga kahenerasyon niya ang bagong pelikulang kanyang ginagawa.

Photo: Joyce Jimenez

May “conscious effort” para kay Anne Curtis na maiba ang kuwento ng upcoming film niyang A Secret Affair mula sa box-office film niya na No Other Woman noong isang taon.

Kasama ni Anne sa A Secret Affair sina Derek Ramsay at Andi Eigenmann.

Saad ni Anne, “Yes, it’s a very, very conscious effort especially this is right after, I mean, next in the Philippines.

“So parang I have to be very conscious about it, especially I’m working with Derek.

“So people might compare, people might think this is a sequel or something, di ba?”

Kasama rin kasi ni Anne sa No Other Woman si Derek.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne sa pictorial ng A Secret Affair sa Makati City noong September 21.

Dagdag pa ng Kapamilya actress, mas “relatable” ang mga linya sa A Secret Affair kumpara sa No Other Woman.

Paliwanag niya, “This is more of the situation I guess, yes, may mga linyang straight to the heart.

No Other Woman kasi is more of line kung line, so talagang statement.

“Ito, it’s more of the lines na, ‘Ay, I’ve said that before!’”



20 MOST INFLUENTIAL CELEBRITY NETIZENS. Samantala, inalam din ng PEP ang reaksiyon ni Anne tungkol sa listahan ng “20 Most Influential Celebrity Netizens” na inilabas ng YES! Magazine.

Bagamat kasama sa listahan si Anne, wala siya sa Top 5.

Habang ginagawa ang nasabing listahan, mayroon nang 3,375,293 followers si Anne sa Twitter, kumpara sa nag-number one sa list ng YES! na si Lea Salonga na mayroon lamang 1,163,706 followers.

Gayunman, nilinaw ng YES! na ang resulta ng listahan ay base sa findings ng Klout, kung saan inaalam nila kung gaano kalaki ang impluwensiya ng isang tao sa mga netizens base sa ilang pamantayan.

(CLICK HERE for related article.)