news

Dion Ignacio denies having a child: “Kung mapapatunayan naman na ako nga ang tatay, papanagutan ko siyempre.”

by Rommel Gonzales posted on September 24, 2012  STATS: 7589 Views | 7 Comments

Ito ang sagot ni Dion Ignacio sa tanong na kung pagkain siya, ano klaseng pagkain siya: “Alam ko, yung medyo naughty ang gusto ninyong isagot ko. Kaya sige... sa okra, puwede ninyo rin akong ikumpara... o kaya sa upo.”

Photo By: Noel Orsal

Isinalang muna sa isang sensuality workshop si Dion Ignacio bilang preparasyon sa pagganap niya sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na Magdalena.

Parehong isinalang si Dion at ang kapareha niyang si Bela Padilla sa sensuality workshop, pero ayon sa Kapuso actor, hindi niya ito sinamantala.

“Siyempre, nakakahiya naman kung magte-take advantage ako. Napakabait ni Bella at professional siya," sabi ni Dion sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kahit na napakaseksi ni Bela, hindi raw “tinablan” o “nag-init” si Dion during their sensuality workshops.

“Siyempre kapag ganun ang sitwasyon, pipigilan mo ang sarili mo.

“Pero hindi ko rin naman kinailangang magpigil kasi ang nasa isip ko ng mga oras na iyon, yung mapagbuti ko ang ginagawa ko...

“Na maibigay ko yung dapat kong ibigay doon sa workshop, para naman hindi ako mapahiya sa tiwalang ibinigay sa akin ng GMA.”

Ang Magdalena ang unang lead role ni Dion sa Kapuso network pagkatapos ng matagal na panahon.

Bago ito ay naging leading man siya ni Yasmien Kurdi sa afternoon soap ding Saan Darating ang Umaga (2008-2009).

Hindi ba sumama ang loob niya at ngayon lang siya ulit naging bida sa isang drama series?

Sagot ni Dion, “Wala, hindi masama ang loob ko.

"Very thankful nga ako na finally, ‘eto na nga, magbibida na rin ako.

“Nakaka-pressure at nakaka-challenge.

“Kasi nga, ang laki ng opportunity na ibinigay ng GMA sa akin... kaya gagawin ako ang lahat para hindi ako mapahiya, para mapanindigan ko ang tiwalang ibinigay nila sa akin.”



MOVING AHEAD. Avenger ng Batch 1 ng StarStruck si Dion, pero mas nauna pang nagbida sa kanya si Mike Tan na Ultimate Male Survivor ng Batch 4 ng StarStruck.

Hindi ba siya naiinggit kay Mike?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • merlion_25

    09/25/2012 | 12:15 PM
    ok lng if pabooking si Dion. Pwede naman magbago eh. Ang importante maganda ang kalooban. Eh si Jericho Rosales nga na pabooking din ng mga parlor judings sa Marikina, nabigyan ng break sa showbizlandia , si Dion pa kaya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    monjuaquin12
    09/25/2012 | 12:36 PM
    hahahaha maganda ang kalooban? binenta ang katawan? hahah magand ang kalooban? hahahaha jericho? hahahahaha posible galing kc xa ng eat bulaga ng gma weh.. hahahaha
  • monjuaquin12

    09/25/2012 | 06:30 AM
    kala ko ba marami leading man ang gma? bakit ibinabalik ang isang starlet na certified pa booking... as in 5K lang hahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • monjuaquin12

    09/25/2012 | 05:28 AM
    panong mgkakanak eh wala namang matris ang mga baklang humahada sa isang starlet na lalaki na produkto ng artista seach... susko 5k lang katapat ng starlet na yun.... FACT
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    monjuaquin12
    09/25/2012 | 05:45 AM
    naku may show pala ang isang starlet.. naku medyo mahal na ulet yan......
    kapamskoo
    09/25/2012 | 06:24 AM
    wag mo mamaliitin yan si dion magaling siyang umarte, matangkad at guapo he is much better in all aspects sa mga idolet mo.
    monjuaquin12
    09/25/2012 | 06:28 AM
    hahaha as usual aljur, dion yan na ang coco martin nio sa gma... magaling umarte.. naman sa kama galing nia umarte hahahahaha tanungin mo pa ang mga bakla sa kanto ng e rod. hahahahaha
  • beall

    09/24/2012 | 10:47 PM
    i really like him, ever since... congratulations at leading man na siya... luv it!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • itsmedanda

    09/24/2012 | 07:31 PM
    Go DION!!! Goodluck!!! Buti at napansin kdin ng GMA. Magaling kng actor
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shiblee

    09/24/2012 | 07:23 PM
    hello po pep... si mike tan po, batch 2 po sya , di po batch 4... sila aljur po yata batch 4...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kuam565

    09/24/2012 | 06:56 PM
    congrats....Dion and good luck
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About