Mariing pinabulaanan ni Dingdong Dantes ang balitang mayroon pa raw siyang ibang babae bukod sa kasintahan niyang si Marian Rivera. Sabi ng aktor, "I am very happy with my relationship with Marian right now, which leaves no room, even with a dust of possibility, for a malicious story like that to happen.”

Photo: Noel Orsal

Kababalik lang ni Dingdong Dantes mula sa ilang araw na pamamalagi sa Amerika para mag-guest sa show roon ng Manny Many Prizes.

Pero ayon sa Kapuso prime actor, nag-enjoy siya sa kanyang maikling pananatili sa States.

“Enjoy naman dahil finally, nakakain kami ng masarap after preparing for Bench. 

“Tapos, nakapag-bonding kami nina Perry [Lansigan], Paolo [Luciano]... si Rochelle [Pangilinan]. 

“Second time ko pa lang makapag-guest sa Manny Many Prizes pero enjoy, enjoy talaga.

“At saka, it’s always a pleasure para sa akin na bumalik sa America kasi palaging magagandang memories ang nandoon.

“Nag-show kami ni Marian [Rivera, his girlfriend] dun, tapos nag-show kami nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

"So it’s always fun to be there.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa dressing room ng Studio 7 pagkatapos ng gala night ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break kagabi, September 23.



BENCH UNIVERSE. Lumipad si Dingdong patungong Amerika pagkatapos ng dalawang gabing pagrampa niya sa Bench Universe denim and underwear fashion.

Ano ang reaksiyon ni Dingdong sa obserbasyon ng marami na maganda ang naging “grand entrance” niya sa Bench Universe?

“Masaya at lalo na napi-feel mo na parte ka ng 25th year  celebration nila. 

“At parang almost most of my career, e, nandoon na rin ako—naging bahagi ako ng Bench.

“So very proud to be part of Bench," sagot niya.

Hindi man siya nagpaka-daring ngayon kumpara noong una niyang pagrampa sa Bench fashion show—kunsaan naka-underwear lang siya—hindi pa rin maipagkakaila na sa hanay ng mga Kapuso stars ay isa pa rin si Dingdong sa inaabangan at tinitilian ng mga tao.

Ano ang pakiramdam niya rito?