Nasa Singapore ngayon ang singer-actress na si Karylle para sa taping ng Point of Entry, ang sinasabing highest-rated action-drama series sa naturang bansa. Siyam na araw kukukunan ang mga eksena ni Karylle sa Singapore at apat na araw naman dito sa Manila.

Photo: Courtesy of Carlo Orosa

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Karylle noong September 19, sa Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy, ay sinabi nitong babalik siya sa Singapore para sa isang bagong proyekto.

Pero tumanggi noong magbigay ng detalye ang singer-actress kung anong proyekto ang gagawin niya.

Sabi lang niya, “Basta, it’s for exciting new project… very, very soon.”

(CLICK HERE to read related story.)

Nasa Singapore na ngayon si Karylle at napag-alaman ng PEP mula sa manager nitong si Carlo Orosa, ng Stages, kung anong proyekto ang ginagawa ng Kapamilya star.

Featured guest si Karylle sa “highest-rated Singapore weekly action drama” na Point of Entry.

 

Ang show na ito, na ngayon ay nasa third season na, ay produced ng Media Corp. ng Singapore at ipinapalabas sa Channel 5.

Tampok sa Point of Entry sina Carl Ng, Fadhila Samsudin, at Bernard Tan.

Siyam na araw magus-shooting si Karylle sa Singapore at apat na araw naman dito sa Manila.

Kabilang sa larawang ipinadala sa PEP ni Carlo ay kasama ni Karylle sa isang eksena ang Filipino actor na si Simon Ibarra.

Ang Point of Entry ang ikalawang proyekto ni Karylle sa Singapore; una ay ang Pan-Asian musical series na The Kitchen Musical.