Masaya si Baron Geisler dahil bukod sa sunud-sunod ang dating sa kanya ng mga proyekto, unti-unti raw kasi ay nakakalimutan na ng mga tao ang negatibong imahe niya noon. “Slowly, slowly nawawala yung takot nila sa akin,” sabi ng aktor.

Photo: Noel Orsal

Masaya si Baron Geisler dahil sa tuluy-tuloy na dating ng proyekto sa kanya simula nang magbalik-showbiz siya noong 2011.

Saad ng aktor, “God is so good, you know.

“Talagang it inspires me to just really save and do well sa trabaho ko.

“Kung nagtino ako sa trabaho ko, e, di sana matagal nang maganda.

“Pero kung hindi nangyari ‘yon, hindi ako matututo, e.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Baron sa story conference ng upcoming TV5 fantasy series Kidlat sa Gateway Suites, Cubao, Quezon City, kahapon, September 24.

NEW TV SHOW. Isang TV show na naman ang bagong pagkakaabalahan ni Baron sa mga darating na buwan.

Siya kasi ang main villain sa Kidlat, na pagbibidahan nina Derek Ramsay, Ritz Azul, at Nadine Samonte.

Kaya naman, ayon sa aktor, “I feel blessed, e. I feel very blessed and thankful.

“Punung-puno ng gratitude ang puso ko dahil… I thank the industry, Channel 5, for giving me this.

“Somehow it’s a break, e, it’s a big break for me, e.

"Kasi ang character ko dito is the main villain of a big star, si Derek Ramsay.

“I’ll do my best, na not to let them down, para malay mo in the future, maging Kapatid na talaga ako.

"But I’m happy na maganda ang welcome nila sa akin.”